Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon, Gabby kabugan sa batang partner

0 315

Maraming netizen ang naaliw sa post ng Megastar na si Sharon Cuneta kung saan hinamon niya ang ex na si Gabby Concepcion.

Sa post, makikita ang litrato ni Gabby at ng leading lady niyang si Sanya Lopez na kapareha niya sa Kapuso teleseryeng First Yaya. Katabi nito ang picture nila ni Marco Gumabao na leading man ng singer-actress sa pelikulang Revirginized.

May caption itong :”And you, Kitina’s Papi, kala mo ikaw lang ang may batang partner ha? Game ka n ba@concepciongabby.Ako walang kaproble-problema. You na lang ang hinihintay ng bansa.”

Nagbunyi ang mga netizen lalo na ang Sharon-Gabby fans dahil sa dare ng Megastar, lumalabas na ready na siyang makatrabaho muli ang ex-hubby.

May mga excited na rin na muling mapanood ang dalawa sa isang pelikula.

Hirit nila, long overdue na raw ang muli nilang pagsasama sa isang proyekto.

Nabuhay naman ang pang-intriga ng iba na kaya hindi matuloy-tuloy ang balik-tambalan nila ay dahil sa demands umano ni Gabby.

Bago pa rito, nag-post pa si Mega ng kuha sa screening ng pelikula ni Robin na may caption na” O Kambal, ready ka na?” kung saan naka-tag si Robin Padilla, ang manager nitong si Betchay Vidanes at PR girl ng Viva na si Baby Gil.

Julia dedma sa Team Bea

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binigyan ng shade ng iba’t-ibang kate-katerang netizen ang palabang pose ni Julia Barretto sa kanyang IG account pagkatapos maisapubliko ang relasyon nila ni Gerald Anderson.

Makikita ang balingkinitang aktres na nakasuot ng swimming attire habang naglalayag ang yate sa dagat.

May nakakaintriga pa itong caption na :”Just Julia.”

Marami rin ang nakapansin sa kanyang nagmumurang abs at maliit na baywang.

Sey ng ilang bitchy kibitzers, oozing with sex appeal at fresh daw si ateng kaya hindi raw kataka-takang iwan ng boyfriend nito ang kanyang ex.

Sa body language raw nito ay tila naghahamon ito sa pagandahan sa ex ng dyowa at parang tumitili ng walang soundah na “Ako ang pinili, ako ang nagwagi!”

Meron ding mga nagkomento na nagpahayag ng kanilang paghanga sa aktres sa pagiging “fitspiration” nito para sa marami.

As usual, hindi nakaligtas sa pamba-bash ang aktres . Dedma lang naman siya sa kanyang mga basher at sa Team Bea.

Leave A Reply

Your email address will not be published.