Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon nanlumo sa dagok

0 327

Nanlumo si Sharon Cuneta sa nangyari sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Ulysses last Thursday. Sa kanyang Instagram account ay panay ang post ni Megastar at nag-alay ng dasal para sa mga naging biktima at nakatikim ng dagok sa kalamidad.

“Nakakapanlumo po ang napapanood ko sa news ngayon tungkol sa nasalanta ng bagyong Ulysses…I pray that you are all safe…at doon po sa lahat sa inyong naapektohan…nakakadurog naman po ng pusong isipin…Napakarami na nating mga kababayan ang tinamaan ng lahat na yata ng klaseng delubyo mula nung pumasok ang 2020…May God have mercy on us and keep us safe…Mahal ko po kayo. Idadasal ko po kayong lahat ng mataimtim..” ang post ni Sharon.

Arnold , Ali trending sa galit ng tao

Bumuhos ang galit ng mga netizen sa social media kina Arnold Clavio at Ali Sotto sa “insensitive” remark daw ng mga ito sa isang biktima ng Typhoon Ulysses na humihingi ng tulong sa kanila.

Sa kanilang radio program sa DZBB noong Huwebes ay may tumawag na isang babae kina Arnold at Ali para humingi ng tulong. Ang naturang babae ay nakatira sa Provident Village sa Marikina na alam naman nating isa mga lugar na lumubog sa baha dulot ni Ulysses.

Tanong ni Arnold sa caller, “ba’t diyan pa rin kayo na alam n’yo nalubog ng Andoy?”

Segunda naman ni Ali, “pag kunyari, di ba, ‘yung ‘pag hahanap ka ng lilipatan, hindi mo ba natanong Angela na ‘kumusta no’ng Ondoy?’”

At nagtawanan pa sila ni Arnold.

Para sa mga netizen, tila sinisisi pa raw nila Igan at Ali ang tumawag kaya naman katakot-takot na bashings ang naranasan nila.

“ANG LALA NILANG DALAWA! Non-verbatim: Hindi pa ba kayo nadala ng Ondoy? Bakit andiyan diyan pa din kayo nakatira? POTAAAAAA. TOTOO BA? Lumapit sa inyo for help, gaganyanin ninyo! Ang lala niyo!” komento ng isang netizen.

Reaksyon naman ng isa pa, “daling sabihin Kung comportable ka buhay mo, ganto thinking ng isang mamahayag? Hindi Ka aware sa buhay ng mahirap?”

Isa pang comment from Twitter user, “Seryoso? Ang tanga. Imbis na tumulong na lang, yun pa ang naisip itanong? Kung kaya nila lumipat in the first place, ginawa na nila. They aren’t as privileged as you are.”

Dahil sa rami ng comment sa Twitter ay nagtrending tuloy sina Arnold at Ali. Sa gitna ng sandamakmak na bashers ay may mga nagtanggol din naman sa dalawa saying na sana raw ay panoorin muna nang buo ang programa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.