Abante Tonite Interactive

Sharon naospital, napuwing sa abo

0 669

Isinugod sa ospital si Sharon Cuneta last Sunday dahil sa major eye irritation base sa kanyang post sa Instagram.

Makikita sa post ni Megastar ang kanyang larawan habang nakaupo sa wheelchair at may cover ang right eye.

“Majorly painful / painfully major eye irritation tonight. Had to be rushed to the Makati Med E.R..

“Buti walang scratch or foreign body. Nairritate lang dahil sa bahay when it was itchy and a bit sakit I scratched and washed it. Ayan.

“Kulang na lang makasama ko si Johnny Depp. Sabay na kami mag Pirates sa Caribbean.

“Haaayyy napakaKYUUUUUUUUUUUT talaga ng buhay ko nitong mga araw na ito,” ang caption ni Sharon.

Umulan naman ng “get well soon” messages sa comment section at kabilang dito ang mga celebrities na sina Martin Nievera, Melai and Jason Francisco, Vina Morales, among others.

May tweet naman ang kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan:

“Mag-ingat ang lahat.Kung maari huwag na muna lumabas.

Sabi ng Doctor sa ER kagabi,si Mrs. maaring napuwing dito sa Makati kagabi dahil sa ash fall.Mahapdi at namaga at kinailangan hugasan ang mata at lagyan ng gamot bago humupa ang hapdi.Mas mabuti na ang pakiramdam nya ngayon.”

Piolo binusog ang mga bading

Birthday ni Piolo Pascual last January 12 ay nagbigay siya ng treat sa kanyang mga fan. Pinasilip niya sa kanyang YouTube account ang kanyang magarbong rest house sa Batangas.

Pinamagatan niyang “My Birthday Salubong” ang vlog at hindi lang ang rest house ang kanyang ipinasilip kungdi maging ang kanyang abs na for sure ay ikinakilig ng kanyang mga fan.

Sa simula pa lang ng video ay makikita na si Papa P na naka-topless sa tabi ng swimming pool at naka-expose ang kanyang abs. Maya-maya ay lumangoy na siya sa pool at ang hot-hot niya naman talagang tingnan.

May video rin ang aktor na nag-aayos ng duyan habang naka-topless pa rin at super-hot pa rin.

Busog na busog ang mga bading at girls na fan ni Piolo dahil ang 2 minutes ng video ay naka-topless siya na kung ano-ano ang ginagawa. May kuha siyang naglalaro ng drone na shirtless pa rin at gustong-gusto rin namin ang sunset photo niya. Makikita ring kinakantahan siya ng mga friend and loved ones at may fireworks pa.

Pero dahil nga kasabay ng kanyang kaarawan ang pag-aalburoto ng Taal Volcano sa Batangas na naroroon ang kanyang rest house.

Kaya naman muling nag-post si Piolo habang nasa boat at nakatingin sa umuusok na bulkan at sa caption, aniya, ang birthday wish daw niya ay ang kaligtasan ng lahat.

“My birthday wish right now is for everyone to be safe,” caption ni Papa P.

B-day message ni Marjorie sa ina inintriga

Binigyan naman ng touching birthday message ni Marjorie Barretto ang kanilang ina na si Estrella “Inday” Barretto sa kanyang IG account.

Ito ang unang kaarawan ng Barretto matriarch na wala na ang asawa niyang si Miguel Barretto, who as we all know ay sumakabilang-buhay noong Oktubre last year.

“Happy Birthday Mom! At 83 years old, she’s still so naturally beautiful. She is strong, fierce, a fighter and a survivor. She and I are different in so many ways, but my passion for decorating my home, and my being big on Christmas decoration and celebrations, my hosting party skills and my love for cooking and recipes I got from her.

“I pray God grants you more years, and keeps you well. Its different now without Dad, but I know there is a reason why God chose for you to still be with us. Lets celebrate that everyday,” ang birthday message ni Marjorie sa ina.

Maraming natuwa sa birthday greetings ni Marj sa ina pero siyempre, hindi pa rin maiwasan na may mga nang-iintriga pa rin na binibigyan pa rin ng negative comment ang nasabing mensahe.