Abante Tonite Interactive

Sharon Network pinalawak

771

tonite-this-is-it-roldan-castroBilang bahagi ng isang taong selebrasyon ng kanyang ika-40 na anibersaryo sa showbiz, na papunta sa isang engrandeng, major concert na pinamagatang ‘My 40 Years, Sharon’ ngayong darating na Setyembre 28 sa Araneta Coliseum, inilunsad ni Sharon Cuneta ang Sharon Cuneta Network, na opisyal na pinagsasamasama ang pinakabagong niyang mga online platforms sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube.

Nagbibigay ang Sharon Cuneta Network ng eksklusibo at orihinal na content tungkol sa lahat ng mga bagay ukol sa Megastar sapagkat pinagsasamasama nito ang iba’t ibang aspeto sa karera­ ni Sharon mula sa pelikula, telebisyon, musika, live performances at endorsements at pati na rin ang makulay at nakaka-inspire niyang personal na buhay bilang isang ina, asawa, sister, and friend.

Sa Facebook, ang kanyang pinakabagong opisyal na handle ay SharonCunetaNetwork;­ sa Twitter naman, ito ay @SharonCunetaNet; sa Instagram ito ay @SharonCunetaNetwork; at Sharon Cuneta Network naman ito sa YouTube. Ang lahat ng ito ay karagdagang mga platforms na lalong palalakasin ang mga personal na social media accounts ni Sharon­ na kinabibilangan ng kanyang verified­ Sharon Cuneta Facebook Page na may humigit sa 1 milyong mga followers; ang kanyang @sharon_cuneta12 Twitter account na mayroong 1 milyong mga followers; at ang kanyang @reallysharoncuneta Instagram account na may humigit sa 631,000 mga followers

Lahat ng mga platforms sa Sharon­ Cuneta Network ay magdadala sa kanyang­ patented na pirma at lahat ng ito ang magiging opisyal na online source ng lahat ng mga impormasyon at updates tungkol sa Megastar, isang bagay na tiyak­ na kapapanabikan ng ‘di mabilang at mga loyal na Sharonians. Ang mga platforms na ito ay siyang magiging dahilan upang lalong maipakilala si Sharon at ang kanyang­ ­kamangha-manghang body of work na sinasakop ang apat na matatagumpay na dekada sa bagong henerasyon ng mga tagahangga na kinikilala siya at iniidolo bilang isa sa mga stellar judges ng top-rating singing and impersonation competition ng ABS-CBN na ‘Your Face Sounds Familiar’; bilang isa sa mga powerhouse­ coaches ng ‘The Voice Of The Philippines’ sa tatlo sa mga matatagumpay na seasons nito; at bilang isa sa mga bida ng blockbuster hit ng Star Cine­ma, ang romantic-comedy na ‘Unexpectedly Yours’; at bilang isang high profile endorser ng malalaking brands.

Bilang paunang offering, ipi-feauture ng Sharon Cuneta Network ang mga one-of-a-kind webisodes na magpapakita ng iba’t ibang aspeto ng karera­ at personal na buhay ni Sharon. Kasama dito ang kanyang kapana-panabik na paglalakbay patungo sa landmark event na My 40 Years, Sharon – na itinuturing na isa sa mga pinakahihintay at pinaka-engrandeng musical at industry events ng taon kung saan sina Louie Ocampo, Mell Villena, at Ryan Cayabyab ang mga musical directors at sina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Martin Nievera, Basil Valdez, at Gary Valenciano ang mga espesyal na panauhin.
***

Alexandra masabaw

Fourth runner-up si Alexandra Moraga ng Miss Global Philippines 2018. Siya ay kinatawan ng Miss Global Philippines 2018.

4th year college siya at dean’s lister­ ng Lyceum. Kumukuha siya ng Bachelor­ of Science in International Travel and Tourism Management. Siya ang Miss LPU 2018. Masabaw ang kanyang alindog. Palaban ang kaseksihan.