Abante Tonite Interactive

Sharon ninenerbyos kay Richard

By
0 940

tonite-imo-vinia-vivarIni-reveal ni Sharon Cuneta na si Richard Gomez pala ang pinakamatagal niyang naging boyfriend. Inamin niya ito sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice aired last Sunday.

Dagdag niya naging off and on daw kasi ang relasyon nila at lagi silang nagbabalikan na hindi alam ng publiko.

Mga apat o limang beses daw silang nagbalikan at ang pinakamatagal nilang relasyon ay tumagal ng almost 2 years.

But those were the days dahil ngayon nga ay pareho na silang masaya sa piling ng kani-kanilang pamilya at ayon kay Sharon, proud siya kay Goma today.

“You look very happy now, I’m very happy for you, you deserve all the happiness that you have, and you have a beautiful family and I am so proud of you,” mensahe ni Shawie kay Goma.

Ayon pa sa Megastar, noon pa raw ay napakasinop na tao na ni Goma.

“He really worked hard for everything he has now,” papuri pa ni Sharon sa ex na ngayon ay Mayor na ng Ormoc City.

Si Richard din daw ang ex niya na na­ging friends niya even after the break-up, tulad din daw ni Robin Padilla.

“Always kami friends. Never kami nag-away, nag-split kami nang maayos, nang maayos ulit, nang maayos uli,” natatawa niyang sabi which means ilang beses silang nag-split.

Nakatakdang gumawa sina Sharon at Goma ng reunion movie sa Star Cinema at aminado rin si Megastar na ninener­byos siya since 25 years na nga silang hindi nagkakasama sa movie.

“So, syempre, we’ve changed so much as individuals. I might be a different person now, we’ve both been married to our respective spouses for over 2 decades, parang baka iba na rin ‘yung pagkatao ko, iba na rin ‘yung pagkatao niya, tapos biglang magsasama kami uli sa pelikula, so parang ninenerbyos ako ngayon kasi parang siyempre, mayor na siya. Hindi ko siya kilala as mayor, eh. Parang ang daming maraming bago,” pahayag ni Sharon.

 

Bryan ikinumpara kina Jolo, Luigi

 

Alam ni Bryan Revilla na hindi maiwasan talagang ma-compare silang tatlong magkakapatid na bida ng Tres since may kanya-kanya silang episode sa nasabing pelikula.

Si Bryan ay bida sa “Virgo”, si Jolo Revilla naman sa “72 Hours” at si Luigi Revilla sa “Amats”.

“I knew it naman from the very beginning na pagkukumparahin talaga kami but that doesn’t bother us, eh, coz we all know what we all bring to the table.

“And for us, it’s not a competition, we all complement each other,” ani Bryan.

Ano sa tingin niya ang edge niya sa dalawang kapatid?

“Ah, mas guwapo ako sa kanilang dalawa,” natatawa niyang sabi.

Seriously, aniya, “I don’t know, kasi hindi naman ako sanay na buhatin ang sarili kong bangko, eh.”

Pero sa kanilang tatlo, si Jolo raw ang parang nakuha ang moves ng ama nilang si former Sen. Bong Revilla.

“He’s really Bong Revilla-esque. Nakuha niya talaga ‘yung galaw ng tatay ko, mannerism ng tatay ko, he’s got it.

“Then, si Luigi naman, he’s a very handsome looking kid, he moves really well. Magaling, magaling si Luigi. I cannot move the way he moves,” sabi pa ng comebacking actor.

Close naman daw siya sa lahat ng mga kapatid at lagi raw silang nagsusuportahan at sa pagsasama-sama nilang tatlo sa isang pelikula, mas makakaasa raw ang manonood ng hitik sa aksyon na pelikula.

“It’s like you watch 3 films in one movie,” sey ni Bryan.

Showing na sa October 3 ang Tres mula sa direksyon nina Dondon Santos at Richard Somes.