Abante Tonite Interactive

Sharon Patola Queen

By
3,196

Patola Queen ang akusasyon ng isang netizen kay Sharon Cuneta.

Wala na ang komento ng netizen na nang-bash kay Sharon, may chance na nerbiyos rin ito sa kanyang ginawa at di niya kayang pangatawanan.

May isang basher na matapos ang Japanese trip recollection ni former Madam Chairman nung early 80s, may kumuda na “poor people starved in the country at ang patuloy nitong hanash, si Cuneta, with her $10,000 vacation allowance, ‘isinasampal nito ang kanyang yaman”.

Patol si Sharon na iba pa ang exchange rate nun, na hindi niya ito ipinagyayabang she was just stating a matter of fact, na hindi siya spoiled at mas lalong hindi siya brat at a sampling of her emote, “Many people have to pull other people down in order to feel better about themselves…”

Ngayong nailabas na ni Sharon ang damdamin niya tungkol dito, wala na sanang kasunod na mas mahaba pang aria.

Karapatan naman niyang itama ang mali, depensahan ang sarili at ipaalam sa mga nagmamagaling at nagmamarunong, na they are way out of line.

Matalino ang Megastar kaya sana, after this episode, she also learns to choose her battles, hindi lahat dapat pinapatulan. At para mas lesser ang mga pumupuna sa kanya, mas lesser personal posts ang ibahagi. Dapat tungkol na lang sa karera.

At siguro, ‘yung quest na lang niya to regain a healthier body frame. Bongga rin kung tungkol sa susunod niyang pelikula, mga kanta o concerts. Masyado na niya kasing binibigyang power ang mga bashers at haters niya. She has revealed every bit and morsel of her life sa social media at bala ito para sa mga nang-uurat sa kanya,
Kung mas kaunti ang kanyang binabahagi, the lesser mistakes and hindi na siya papatol sa kung sino-sinong estrangherong hiding under fictitious names and profiles na hindi naman nila mukha ang nakabalandra.