Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon pinaiyak ng JoshLia

0 83

NI: ARCHIE LIAO

Hindi napigilan ng Megastar na si Sharon Cuneta na maiyak sa Sunday episode ng Your Face Sounds Familiar.

Nagpasampol kasi ng PBB 8 finalist na si Lie Reposposa ng viral na awiting “Paubaya” na ginawan ng music video ng JoshLia mula sa komposisyon ni Moira de la Torre.

Nadala ang YFSF judge sa swabeng performance ni Lie at naalala nito ang malungkot na kuwento ng pag-ibig ng nasabing love team sa viral na music video.

Sey ni Sharon, naiyak daw siya dahil ‘babies’niya sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Naging malapit daw kasi siya sa dalawa noong ginagawa nila ang “Unexpectedly Yours” na balik tambalan nila noon ni Robin Padilla.

Kahit hindi niya tinumbok, halatang nanghihinayang siya sa kinahinatnan ng love team ng dalawang co-stars na naging espesyal sa kanya.

Sobrang hanga naman ni Sharon kay Lie dahil kuhang-kuha nito ang boses ni Moira nang kantahin nito ang “Titibo-Tibo”.

Plakadong-plakado rin daw ang naging impersonation nito sa reyna ng “hugot”songs.

Leave A Reply

Your email address will not be published.