Abante Tonite Interactive

Sharon, PRIDE na lang ang kinakain

8

ISANG masaya at masiglang Sharon Cuneta ang nakatsikahan namin sa thanksgiving dinner ni Senador Kiko Pa­ngilinan for the showbiz press kamakala­wa sa Celebrity Sports Plaza.

Medyo nagulat ang Megastar, pero happy siya na kasama siya sa bagong season ng The Voice Kids bilang kapalit ni Coach Sarah Geronimo.

Sey ni Mega, makakasama niya sa show sina Lea Salonga at Bamboo. Natuwa siya dahil ang adopted son niyang si Miguel ay best friend sa school ang anak ni Coach Bamboo.
Mag-i-start na ang auditions for The Voice Kids after the elections, tapos ay dire-diretso na sila.

Napansin ng press ang nabawas sa timbang ni Shawie at ang sey niya, so far ay 36 lbs. na ang nalu-lose niya since December na nag-start siyang magpapayat nang dahan-dahan.

Ani Mega, bukod sa may show ay may movie kasi siyang gagawin kaya nagmadali na siyang magpapayat.

Sharon, pumayat sa caravan ni Kiko
Sharon, pumayat sa caravan ni Kiko

Ang secret niya raw ay panala­ngin at pride.

Biro niya, ang kinakain na lang niya ay pride. Tinanggal niya ang carbs sa kanyang diet.

Dayalog niya, she has wasted so many years kaya dapat ay gawin na niya ito ngayon.

Excited na kasi siya dahil nakaka-miss ang shooting, na iba pa rin kumpara sa TV.

Nakatulong din sa diyeta ni Sharon ang pagsama-sama sa caravan ni Senatoriable Kiko kung saan sila nagpa-family bonding.

Minsan ay tulog na siya agad dahil sa pagod.

Sa 83 days ng kampanya ni Sen. Kiko, ‘yung last 7 days doon ay isinama nito ang kanyang pamilya.

Ang sabi ng butihing Senador, araw-araw ay iniiwan niya ang family niya sa bahay, so nagdesisyon siyang isama na ang mga ito para ipakita rin na ang isang pamilya, dapat ay nagdadamayan at nagtutulungan.

Kung tutuusin ay hindi na kaila­ngang mangampanya ng Megastar dahil consistent na nasa Top 3 si Kiko sa survey ng Sena­toriables.

Pero ayon kay Shawie, very, very proud siya kay Kiko na after ng 2 terms nito sa Senado at 1½ years bilang food czar, may tiwala ang mga tao sa mister niya at alam ng lahat na tapat itong tao, kaya hindi niya kailangan masyadong mag-effort gaya noon.

20 years na silang kasal nu’ng Abril 28.

Ang secret ng pagsasama nila…

“Ginagawa niya ‘yung gusto niya at ginagawa ko ‘yung gusto niya,” pabirong hirit ng comebac­king Senador na si Kiko Pangilinan.

***

Hindi pa nakakausap ni Sharon ang best friend niyang si Zsa Zsa Padilla, na laman ng mga balita ngayon dahil sa breakup nito sa architect fiancé nito na si Conrad Onglao.

“Actually, hindi ko siya (Zsa Zsa) ma-text. Kanina ko lang nalaman. Hindi ko pa sila ma-text.

“Pareho ko silang kaibigan (ni Conrad) pero siyempre, mas close as akin si Zsa Zsa.

“Of course I’m sad. Of course you’ll be sad for a friend who I am expecting is going through some heartache now. ‘Pag ganu’n, you don’t bother them muna.

“You give them a period to mourn. Let them ano… and then after a little while, then you can ask a little.

“I’m not kasi mapapel eh. I don’t like,” daya­log ni Shawie.

Ang totoo ay wala raw siyang idea at all sa nangyari dahil that day lang niya nalaman at hindi pa sila nakakapag-usap ni Zsa Zsa.

Ang statement ni Ka­rylle lang din ang nari­nig niya.

“Hindi ako mapapel. I don’t wanna ask muna. Parang baka may dinadaanan ‘yung taong masakit, tapos nangingialam ka pa.

“Ano ‘yon, this is a recording? Paulit-ulit na lang, ‘di ba?”

Natatanong si Mega dahil siya ang nagpakilala kina Zsa Zsa at Conrad. Siya ang matchma­ker ng dalawa.

“Well, you know what? They had a wonderful time together, that I’m sure of. They had a wonderful more than a year.

“I guess you know, there are relationships that come and go and there are relationships that come and stay.

“We don’t know pa naman if it’s meant to be or not. Siguro, sa kanila na lang ‘yon.

“Kumbaga sa akin, ‘What can you say, Sharon?’ ‘None of my… None of my business!’ Ha! Ha! Ha!” tawa ni Shawie.