Abante Tonite Interactive

Sharon pumalag sa plastikan kay Kris

865

tonite-imo-vinia-vivar
Hindi pinalampas ni Sharon Cuneta ang isang basher na inakusahan siya at si Kris Aquino ng “orocan” or plastic.

Ipinost ni Sharon ang card na natanggap niya kay Kris na may napaka-touching message at aniya sa caption, kasama raw nito ang isang huge balloon arrangement. Kaya naman nagpasalamat siya sa kaibigan.

“Yesterday Kiko and I each received a huge balloon arrangement from Kris. They and especially her message made our day! I didn’t even know she was still in Hawaii but it’s just like Kris to not delay anything, especially if it is to show those she cares about how special they are to her.

“Thank you, Beej! And you are most welcome. Make the most of your vacation and rest well, because there is like a ton of blessings waiting for your attention when you come home! Lots of love always!!! Ate S. and Kiks,” ang caption ni Mega.

Marami ang pumuri sa sweet and thoughtful message nina Kris at Sharon sa isa’t isa pero siyempre, hindi pa rin maiwasan na magkaroon ng mga negative comment.

Komento ng isang basher, “orocan at its finest.”

Kaya naman sinagot siya ni Sharon.

“Haters and bullies will be blocked. More (love emoticon) less hate?” This is what your profile says. And yet you encourage the latter by implying plastic kami to each other? Please be kind. We haven’t done anything to you to deserve that.

“I meant “yet you seem to encourage the OPPOSITE (not the LATTER) of what your profile says you believe in,” ang dalawang magkasunod na sagot ni Sharon.

Well, sabi nga, bashers will always be bashers. Na kahit anong “good vibes” ang i-post mo, makakahanap at makakahanap pa rin sila ng hindi magandang comment.

Jean ayaw magpahalik sa lips kay tonton

Na-miss nina Tonton Gutierrez at Jean Garcia na makatrabaho ang isa’t isa. Imagine, ang huli pa pala nilang pagsasama ay ang classic teleserye sa ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo 15 years ago kung saan ay ginampanan nila ang ang papel na mag-asawang Eduardo at Claudia Buenavista na hanggang ngayon naman talaga ay naaalala pa rin ng mga manonood.

Hindi na raw ito nasundan until now, this time sa bagong afternoon soap ng GMA-7 na Ika-5 Utos mula sa direksyon ni Laurice Guillen.

Ayon sa dalawa, pareho silang na-excite nang malaman nilang magkakatrabaho silang muli. At sey nga ni Tonton, ang sarap daw sa feeling.

“Ang sarap, after 15 years, 16 years na hindi nagkasama, I was really, really excited to be working with Jean again,” say ni Tonton sa presscon, “kasi nun’g Pangako sa ‘Yo, dami naming pinagdaanang hirap, dugo at pawis din nu’n.

“Na-miss ko siya kasi talagang hindi kami nagkasama ni minsan after that, ng 15 years, wala hindi kami nagkasama ni gues­ting sa isang show or whatsoever. So, I was really excited to work with her.”

Dagdag pa ng aktor, wala raw pagbabago sa nararamdaman niya kay Jean noon at ngayon at pati naman daw ang aktres ay still the same pa rin naman at parang hindi rin naman daw tumanda.

“Surprisingly, ganu’n pa rin ang feeling ko nun’g nagtatrabaho kami nu’n 15 years ago, year 2000. Parehas pa rin. ‘Yung tawa niya, ganu’n pa rin siya, hindi nagbago, parang hindi tumanda. So, parang year 2000 pa rin.

“Magaling pa rin. Sobra,” ani Ton.

The feeling is mutual for Jean. Nang malaman daw niyang makakatrabaho niya ulit si Tonton, naging excited and thrilled daw siya.

“Nong nagte-taping na kami, same, tulad ng sinabi niya. At saka isa si Tonton sa kumportable akong kaeksena. ‘Yung walang malisya, walang kaba, very comfortable. Kumportable kami sa isa’t isa,” sabi naman ni Jean.

Hirit naman ni Tonton ulit, ang isa pa raw hindi nagbago kay Jean ay hindi pa rin daw ito puwedeng i-kiss sa lips kaya tawa nang tawa ang aktres.

Eere na ngayong September 10 ang Ika-5 Utos bilang kapalit ng Contessa.