Abante Tonite Interactive

Sharon pumiyok na walang ayuda si Kiko

1,813

NI: RONA RONDA

Kinwestyon ng ilang netizen si Megastar Sharon Cuneta at ang kanyang asawa na si Kiko Pangilinan. Hinahanapan kasi sila ng efforts o tulong sa COVID-19 crisis.

Sey ng isang netizen, “Ang asawa niyo nasaan? Diba po kami ang public at siya ang servant? Pero nasaan po siya? Buti pa po si Angel maraming nagawa at pinost niyo pero asawa di niyo kaya ipost kasi wala. Diba senador siya?”

Tumugon naman si Shawi sa komento ng netizen at pinagtanggol ang asawa.

Aniya, “Ayun siya, tumutulong ng walang press release katulad naming lahat. Matanong ko lang po, may naitulong po kayo kahit isang mask o alcohol bottle lang?”

May isang netizen pa ang nagsabing tumulong rin si megastar dahil utang na loob niya ito sa mga pumila sa pelikula niya, bumili ng plaka at CD’s niya.

Diretsahang sagot ng megastar, “Hindi niyo po ako kilala. Wala po kayong alam sa ginagawa kong pagtulong sa kapwa. “Mula pa nung binibigyan na ako ng daddy ko ng chance na humawak ng konti sa mga kinikita ko nung 16 pa ako. Di lang po ako mahilig maganunsyo dahil sa langit ako nagdedeposito.”

Dinetalye rin niya ang pagtulong na ginawa niya noong Typhoon Yolanda taong 2013. Nag-donate siya ng 10 milyong piso sa mga nasalanta ng bagyo.

Pinuri naman siya ng mga netizen dahil hindi na niya kailangan pang ipagsigawan ang mga naitulong nilang mag-asawa.

Sa mga hindi nakakaalam sina Sharon at Kiko rin ang nagpiyansiya ng karamihan sa mga residente ng Sitio San Roque bukod kina Frankie Pangilinan at Jodi Sta. Maria. Dinampot sila matapos mag-rally para makahingi ng ayudang pagkain mula sa lokal na pamahalaan ng .

Tonite – Wendys Inhouse Ad