Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon rumesbak sa intriga kay KC

0 102

Rumesbak na si Sharon Cuneta sa mga netizen.

Ito ‘yung nang-iintriga at nangingialam sa relasyon nila ng panganay niyang anak na si KC Concepcion.

Tulad nga ng naisulat namin kahapon, nag-post si Sharon sa Instagram page niya ng biyahe niya sa New York sakay ng private plane. Aniya sa caption ay bibisitahin daw niya ang kanyang anak na si Frankie Pangilinan.

Kaya naman ang daming nag-comment at nagtanong kung bakit hindi niya dadalawin si KC na nasa Los Angeles naman.

Noong Sunday night ay nagkaroon marahil ng oras si Shawie kaya isa-isa niyang sinagot ang mga intrigero’t intrigera.

Sa komento ng isang netizen na “you have another daughter in LA,” sinagot ito ni Megastar ng “Yes I HEARD! I wonder how she is and what she is doing?”

Nagsunod-sunod na ang sagot at litanya ni Sharon sa mga bashers:

“You obviously know nothing about us and because I am their mother, you cannot expect me to talk badly about any of my children. Remember, we are all human beings, we all can be hurt by those we love. And generally speaking, kahit 100 na tao ang mahal mo, doon ka mapapalapit sa sobrang nagmamahal at rumerespeto sayo,” ang isang litanya ni Mega.

Pagtataray pa niya sa isang basher, “excuse me but, aside from being someone who seems to love judging other people when you obviously know nothing about our history, WHO U?”

Isa pa niyang litanya: “Sorry, but I don’t remember seeing you when kahit eardrops walang nagdodonate kay KC noong maliit pa siya at baka hanggang nakatapos na ng college – you know, all her LIFE na iisa lang ang nakita kong nagpupuyat na halos sumuka na ng dugo sa kakatrabaho para lang may makain kami at mapaaral, mapagamot at mapalaki ko ng maayos ang anak, nag-alaga, nagmahal at binigay ang lahat sa kanya. Ako yun.”

On a lighter note ay naibahagi rin ni Sharon na magkasama na sila ni Kakie. Masayang-masaya sila pareho sa kanilang reunion.

“OMG, Gi, I cried so much when I saw her and hugged her so tight. She slept beside me and I sang her her lullaby which I sang to her every night when she was a kid while running my fingers through her hair as we tightly hugged! I’m crazy about this kid,” lahad ni Shawie.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mateo umaming lampa

Ayon kay former Miss Universe-Philippines Rabiya Mateo, hindi na bago sa kanya ang pagkakadapa niya during her final walk sa MUP.

“Ako aminado po talaga ako na lampa po talaga ako,” sey ni Rabiya sa panayam niya kahapon sa Unang Hirit.

“So during that time, natapakan ko yung gown ko tapos dumire-diretso ako.”

Nasa unahan nga raw ang former beauty queen din at friend niyang si MJ Lastimosa na nakita rin ang pangyayari.

“And that time si MJ Lastimosa, she was sitting in front kung saan ako nadapa, and I heard her saying ‘Oh, oh, oh,’” kuwento ng dalaga.

Hindi na raw big deal ang pangyayaring katulad nito dahil lagi raw itong nangyayari sa kanya.

“It happens all the time talaga, that’s why for me, it’s not a big deal kasi nga minsan kahit naka-tsinelas ako talagang nadadapa ako,” sey niyang natatawa pa rin.

Pinuri naman siya ng mga host na sina Lyn-Ching Pascual at Suzi Entrata-Abrera. Ito’y dahil nga with grace pa rin siyang bumangon at ‘yun daw ang importante. Mahirap din daw talaga na maglakad nang naka-mataas na takong at naka-gown.

“Sobrang hirap. Ang dami ring nagdyo-joke sakin sabi nila, baka talagang sinadya mo na magpakahulog ka para trending ka ulit kahit pa-exit ka na,” sey pa ni Rabiya.

Samantala, ibinalita rin ng beauty queen na magso-showbiz na raw siy ngayong tapos na ang reign niya.

“Magso-showbiz na po ako. I’m gonna sign up with GMA, magiging isang Kapuso na po tayo and I’m excited to do acting and hosting na po in the future,” ang masayang wika ni Rabiya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.