Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon saludo sa paglaban ni Kiko

0 51

Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang isang artikulo na nagbabalita ng pagsasampa ng kaso ng mister na si Sen. Kiko Pangilinan laban sa mga naglabas ng fake news na sinasaktan niya ang kanyang asawa.

Obviously proud si Sharon sa paglaban ng asawa sa fake news at ang dialogue ni Sen. Kiko na “ang pamilya ko ang buhay ko. Gagawin ko ang lahat para protektahan sila.”

Inirepost din ni Megastar ang isang column item sa broadsheet kung saan ay pinupuri ng writer si Sen. Kiko sa katapangan nito’t pagigint matino’t mahusay.

Maging ang mga fan and follower ni Sharon ay puring-puri si Sen. Kiko .Pabor sila sa ginawang pagsasampa ng kaso ng politiko para protektahan ang pamilya.

Samantala, kasalukuyan pa ring nasa US si Sharon at halatang nagi-enjoy sa kanyang stay roon.

Sa kanyang latest YouTube vlog ay makikitang panay ang rampa niya’t nakipagkita pa sa dating aktres na si Beth Tamayo na matagal nang naninirahan sa Amerika.

“This Las Vegas roadtrip was the first time in many years that I visited Nevada without work, just as a tourist on vacation. I met up with so many special people who I love and I’m thrilled to be able to share my adventures in Vegas with all of you here on my vlog. Love you, Everyone! God bless you all,” pahayag ni Sharon sa kanyang vlog.

Natutuwa naman ang kanyang fans na makitang siyang nagi-enjoy and taking a much needed break.

So far ay wala pang sinasabi si Sharon kung kelan siya uuwi ng Pinas.

Sunshine nagpasalamat sa GMA

Kahit Kapamilya na ay hindi nakalimot si Sunshine Dizon na magpahayag ng pasasalamat sa GMA-7 dahil sa kanyang dalawang acting nominations na natangggap mula sa 34th Star Awards for Television ng PMPC (Philippine Movie Press Club)

Nominado si Sunshine sa dalawang kategorya – Best Single Performance by an Actress para sa Magkano Ang Forever episode ng Tadhana at Best Drama Actress for Magkaagaw, both from GMA-7 ang kanyang dating home network.

Sa kanyang Instagram page ay ipinost ng aktres ang listahan ng official nominees kung saan siya nominado at aniya sa caption ay first time raw niyang magkaroon ng double nominations.

“Unang beses ko ata ito na double nomination. Salamat po PMPC. Nakakataba ng puso,” ang bungad ni Sunshine.

Patuloy niya, kahit na nasa ibang bakuran na siya ay nagpapasalamat siya sa mga kasamahan sa GMA-7 para sa nasabing mga proyekto.

“Nasa ibang bakuran at Pamilya man ako ngayon nagpapasalamat pa rin po ako at nabigyan ako ng pagkakataon na bigyang buhay si Laura sa Magkaagaw at si Bekang sa Magkano ang Forever. Sa lahat ng bumuo at mga director lalo na sa Tatay Gil Tejada ko at mga writers congratulations,” saad ni Sunshine.

Bukod dito ay binati ni Shine ang a dating kasamahan sa GMA-7 na si Gabby Eigenmann na nominado naman for Best Supporting Actor para sa Bilangin ang Bituin sa Langit gayundin ang mga Kapamilya stars na sina Cherry Pie Picache at Vina Morales na co-stars niya ngayon sa bagong Kapamilya serye niyang Marry Me Marry You.

Nominado sina Cherry Pie at Vina sa Best Drama Supporting Actress para sa Sandugo ng ABS-CBN.

Leave A Reply

Your email address will not be published.