Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon sapaw si Vice sa network

0 901

NI: ROLDAN CASTRO

Inilunsad na nu’ng Martes ang “The Sharon Show” sa YouTube channel na Sharon Cuneta Network.

Tinalakay niya ang COVID-19 at kung ano ang gagawin habang nakikipaglaban sa pandemya.

Ipinaalala niya na bukod sa pag-stay sa bahay, dapat ay magsuot ng face mask at 20 segundo na paghuhugas ng kamay. Dapat daw ay ‘wag ding kalimutang magdasal.

Ang online show ni mega ay magkakaroon din ng lifestyle tips at pagtalakay sa mga personal na bagay tungkol sa kanya.

Iniintriga naman na naunahan pa raw ni Sharon si Vice sa pagkakaroon ng online show sa YouTube.

Hanggang ngayon ay wala pang balita kung kailan magsisimula ang The Vice Ganda network pagkatapos magkaroon ng technical problem.

Leave A Reply

Your email address will not be published.