Abante Tonite Interactive

Sharon: ‘Sinabotahe ng asawa ko ang ganda ng katawan ko’

By
5,299

NAKIPAGSABAYAN na rin si Sharon Cuneta sa mga artistang nagpapa­talbugan sa social media ng pagsusuot ng sexy two-piece bikini at magpakita ng kanilang sexy body.

‘Yun nga lang, throwback photos ang kanyang ipinost na kuha raw noong taong 2000, bale 18 years ago, ima­gine!

Sa dalawang larawan na ipinost ni Megastar ay makikitang naka-two-piece swimsuit siya habang nasa isang beach at super-payat pa niya.

“And since ito lang ang dadalawang pics kong nakatwo-piece at kuha pa ni Kiko (Na ang hobby ay gamitin lang ako. Ang katawan ko! Ay ngek sorry! Hahaha!), irerepost ko uli para sa mga five people na di pa nakakakita! Sa Amanpulo po ito kuha noong 2000. Just after the theater run of “Minsan Minahal Kita.” And just before sinabotahe ng asawa ko ang ganda ng katawan at kapayatan ko na ang naging produkto naman ay si Frankie. SWIPE LEFT!” ang caption ni Shawie.

Ang dami namang natuwang mga fan sa mga throwback photo niya at hiling nila ay ibalik ulit ng idolo ang ganun’g katawan.

Actually, isa si Sharon sa napakahilig mag-post ng throwback photos at naiintindihan naman namin siya dahil wala pa kasing social media noong time na kasikatan niya kaya ngayon niya lahat inilalabas ang mga nakatagong pictures.

Pero gayunpaman, mas maganda pa rin siguro kung mas dadalasan niya ang mag-post ng new pictures at hindi puro quotations na lang.

Pia on Gerald: ‘Hay salamat, mas matangkad siya sa akin’

BAGO pa nagtambal sina Pia Wurtzbach and Gerald Anderson sa My Perfect You, ayon kay Miss Universe 2015 ay hindi pa niya kilala perso­nally ang kanyang leading man.

“Basta alam ko, matagal na siyang nag-aartista at marami na siyang nagawang rom-com, tapos naisip ko rin na marami na siyang naka-loveteam.

“Actually, nakikita ko pa nga ‘yung ibang mga nagawa na niya, napanood ko na.

“Tapos, ang pagkaka­kilala ko kasi sa kanya, may common friend din kami, di ba si Ivan (Ca­rapiet)? So alam ko na nagkaka-work sila, tapos meron silang teleserye tungkol sa triathlon.

“So, ‘yun pa lang talaga ang alam ko. Pero hindi ko siya kilala on a personal level. Kahit hi/hello, wala. Parang hindi nga kami nagkakasalubong sa Star Magic Ball o kung anuman, hindi talaga,” kuwento ni Pia.

Nang magkita raw sila sa story conference for My Perfect You, ang una raw niyang naisip, “Hay salamat, mas matangkad siya sa akin.”

Pangalawang napansin niya, approachable si Gerald.

“So, naisip ko na, ‘Hay salamat, approachable siya’ kasi hindi ako mahihirapan na kausapin siya,” sambit ni Pia.

Kung naguguwapuhan din ba siya kay Gerald­, ani Pia ay oo naman.

“Lalo kong nakita ang kaguwapuhan niya nu’ng magulo ang buhok niya. Kasi parang sisili­pin mo, ‘Ay ang ganda ng mata niya, ang ganda ng smile’,” sey pa ng beauty queen/actress.

Leila idol si Kathryn

ISA si Leila Alcasid sa 13 new faces na ipinakilala ng Star Magic bilang new batch ng Star Magic Circle 2018. As we all know, ang 20-anyos na dalagang ito ay anak nina Ogie Alcasid and Michelle Van Eimeren kaya isa rin siya sa maituturing na showbiz royalty.

Ready na si Leila na sundan ang yapak ng kanyang ama bilang singer pero gusto rin niyang subukan ang acting, of course. Nagkaroon na siya ng unang single na Completely In Love With You.

Sa press launch nila ay inamin ng dalaga na isa sa iniidolo niyang young actresses ay si Kathryn Bernardo.

“Kasi masipag siya, matalino siya at super-mabait. Like I said, I’ve watched all her films, so I really look up to her as an actress, also as a person,” sey ni Leila.

Sa ngayon ay puspusan ang Tagalog workshops ni Leila since lumaki nga siya sa Australia sa mommy niya. Given the chance, gusto rin niyang makasama ang kanyang daddy Ogie sa isang pelikula.

Bukod kay Leila, ang iba pang kasama sa batch ng bagong Star Magic Circle ay sina Donny Pangilinan, Tony Labrusca, Anna Luna, Chantal Videla, Karl Gabriel, Zonia Mejia, Yasmyne Suarez, Henz Villaraiz, Daniella Stranner, Patty Mendoza, Markus Paterson at Charlie Dizon.