Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon sumugal sa bagong pelikula

0 322

Nasa shooting na si Sharon Cuneta ng bago niyang pelikulang “Revirginized.” Kung bakit niya tinanggap ang pelikula, ang paglalahad niya sa short clip, “nice” and “funny” raw ito.

Of course that is debatable lalo na nga’t hindi masyadong loved ang director niyang hit and miss ang mga film output.

Ang diva that you love, na alam niyo namang Sharonian, hibang na hibang at takang-taka talaga kung paano nakumbinsi si Sharon na umoo sa pelikulang ito.

Ano pa ba ang gusto niyang patunayan kaya niya ginagawa ito? Na at her ripe age she can be naughty and sexy? Na kaya niyang makipagsabayan sa spontaneity at comic flare at pagla-vavavoom ni the great Rosanna Roces? Na gusto ito ang pelikulang magiging inspirasyon of women and it will empower them to better care for their bodies and beauties?

Well, matalino naman si Sharon. Hindi naman siguro siya magsusugal sa ganitong kaganapan kung hindi niya alam na win-win ito. Ipagdasal na lang natin na hindi ito mangyayari dito ang sinapit ng pelikula niyang “Ang PamilyaDi Lumuluha” at sa “Kuaresma” kung saan mas marami ang nagalingan kina John Arcilla at Ken Gonzales kesa sa kanya, huh!

Ellen, Ramsay nakatatawa ang paandar

Gamit na gamit nina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang social media para ipangalandakan ang state of their affair.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hayaan natin kahit pa nga katawa-tawa talaga ang drama nilang magsing-irog . Ang “authentic self” nila ang dahilan kaya sinagpang nila ang kanilang relasyong pinagsasaluhan.

Na sa dinami-dami ng mga nakalipas na di maaring balikan ni Ramsay, sa nanay lang ni Elias niya naramdaman ang ‘katotohanan’ kung ano ang pagmamahal at sa iba ay hindi? So plinastik ba niya ang mga naging kasintahan niya dati?

Vice, Ion ‘pakakasal’ na

Ano namang drama na ilang oras ding naging trending na ang ganda ni Vice Ganda.

Juice colored! Huwag niyo nanang paniwalaan ang imaheng napapanood niyo sa telebisyon. Tanging si Ion Perez lang talaga ang man enough na matanggap ang “tunay” na rikit ni Jose Marie.

Kayo ba kakayanin niyong makita ang Unkabogable Phenomenal Star na walang make up at ang kanyang hair is diminishing na bumbunan? Pag oo agad ang sagot niyo diyan, talagang mabubuti kayong mga tao dahil appreciated at loved niyo ang ganda niyang natural.

 

Leave A Reply

Your email address will not be published.