Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon tinawag na ‘balyena’

0 367

Nagulantang ang mga Sharonian sa ibinahaging larawan ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram page last Sunday. Buong ningning na naka-one piece swimsuit ang Megastar habang nasa dagat at kitang-kita ang curves ng katawan na in all fairness, seksing-seksing tingnan.

Caption ni Sharon, “O, last na ito for this season ha?!”

Talaga namang nagkagulo ang kanyang fans and followers at lahat ay na-shock kung gaano na siya ka-sexy ngayon. Sabihan pa, inulan ng positive comments ang larawan. Pati ang mga kapwa celebrities ay nag-iwan ng magagandang komento.

“Wow o wow!??? Sexy naman ng Ate Sha ko,” komento ni Ara Mina.

Katakot-takot na puso naman ang reaksyon ni Pops Fernandez.

Comment naman ni Lani Misalucha, “sorry kayong lahat! Maglaway na kayo!”

Pinuri rin ng mga netizen ang pagiging fresh and young looking ni Sharon na mukha lang daw 25 years old gayung 55 na ito.

Pero may isang bastos na netizen na nagkomento nang hindi maganda.

“Balyena byan? Hehe,” komento ng netizen.

Good thing, hindi naman napikon si Sharon at dinaan niya sa biro ang sagot.

SM food to go Banner Ad

“Dugong naman,” reply ni Mega.

Sa rami ng positive comments, obviously ay hindi na ikinagalit ni Shawie ang nag-iisang negative comment na ‘yun.

Hiling ng mga fan ni Sharon na sana raw ay huwag totohanin ni Mega na last sexy photo na ‘yun for this season at “more!” ang sigaw nila.

Andrea,Ciara, Gil umalma sa ‘not guilty’ ng pulis

“Not guilty” ang plea ng police officer na si Joel Nuezca na suspect sa pagpatay sa mag-inang Sonya at Frank Anthony Gregorio ng Paniqui, Tarlac noong nakaraang Disyembre.

Ito ay sa kabila ng napakaraming witness sa krimen at nakuhanan pa ng video ang mismong insidente.

Kaya naman ikinagulat ng taumbayan ang “not guilty” plea ni Nuezca at marami sa kanila ay galit na galit. Maging ang mga artista natin ay hindi napigilang maglabas ng kanilang galit.

“Whaaaaaaat?!!! NOT GUILTY?!!! Anutoh?! First galit ko ito ng 2021,” tweet ni Ciara Sotto.

Ang Kapuso actor naman na si Gil Cuerva ay hindi rin makapaniwala sa “not guilty” plea ng suspect.

“How do you plead “not guilty” when you were literally caught on video… like how do you even have the audacity to deny something you did that was caught on camera?” tweet ni Gil.

Tinawanan naman ni Andrea Brillantes ang balita. “LOL (laughing out loud)” ang caption niya sa news item tungkol dito at saka nilagyan ng apat na clown face emoji.

Leave A Reply

Your email address will not be published.