Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon umayuda sa Cebu

0 211

Sumama si Sharon Cuneta sa asawang si Sen. Kiko Pangilinan kahapon sa pag-iikot sa Cebu City na as we all know ay labis na naapektuhan ng super-typhoon Odette.

Sa Instagram video ni Shawie ay sinabi niyang pumunta sila roon hindi para mangampanya kundi mag-distribute ng tulong sa mga kababayang nasalanta ng bagyo.

Kalalapag lang ni Sharon nang mag-video siya at habang pa-landing raw sila ay kitang-kita niya ang mga bahay na walang bubong at labis niya itong ikinalungkot.

“It’s upsetting. I was saying nga kanina to Krissy, my friend Krissy, I said, ‘this is the first time in all my life since I was 14 that I am in Cebu and I am not happy.

“I’m very sad, I’m very upset. I am very. . .If I’m feeling devastated, hindi ko ma-imagine anon’g feeling ng mga biktima ng bagyo,” she said.

“So, if you can send help not only to Cebu but those areas hit by the typhoon so badly in Visayas and in Mindanao, if you have a little more than you actually need, please send help,” patuloy niya.

Sobrang hindi ma-imagine ni Sharon kung gaano kahirap ang dinadanas ngayon ng mga kababayan nating hindi lang nawalan ng bahay kungdi mga mahal sa buhay at pati buong kabuhayan.

Dumaan na rin daw siya sa mabigat na pagsubok sa buhay kaya sobrang naiintindihan niya ang mga nararamdaman ngayon ng mga kababayan sa Cebu at iba pang naapektuhan ng bagyo.

“I’ve been through that myself. But my problems seemed so insignificant. Everything I’ve been through in my life seemed so insignificant compared to what the victims of this typhoon are going through right this minute. I cannot even imagine. So, please pray for them,” ani Sharon.

Sinabi rin ni Mega na huwag daw tayong patuloy na umasa sa gobyerno, hindi lang ang kasalukuyan kungdi kahit sa mga nakaraan at sa mga darating pa.

“We have to reach out to one another, we have to look out for each other, take care of each other. It’s the right thing to do,” she said.

Habang nagbibiyahe nga si Sharon sa sasakyan ay ang dami raw niyang nakikitang mga nakatumbang puno, nagkalat na kable, mga bahay na nawasak.

Samantala, naikwento ni Sharon na masaya siya na nandito na sa Pilipinas ang anak niyang si Frankie mula sa US.

“I saw the news yesterday ba or the other, I think, yesterday morning, that cases in New York have tripled only in one week. Nanlambot ako because my daughter was home and I was so thankful to God,” aniya.

Payo rin niya na mag-ingat pa rin dahil hindi pa tayo tapos sa pandemic.

“Stay safe. Don’t take COVID for granted yet. We’re not out of the woods yet,” paalala niya.

Kim may K magbikini

Isa si Kim Chiu sa mga banidosa nating artista at kahit nga pandemic ay talagang hindi niya nakakakalimutang magpalakas, magpa-beauty at alagaan ang sarili.

Kaya naman talagang may karapatan siyang maging endorser ng swimsuit at lag inga niyang inirarampa sa kanyang Instagram page ang kanyang mga swim swear na bagay na bagay naman sa kanya because of ther toned body at kahit nga ang mukha niya ay sexy na ring tingnan.

Sa kabila ng pandemya ay hindi rin niya nakakalimutan ang pagiging sports buff dahil kamakailan lang ay sumali siya for the first time since pandemic sa duathlon race.

Sa kanyang IG ay ibinahagi nga ni Kim ang struggles niya sa pagsali sa rake since matagal na siyang hindi nakakapag-bike. Dumating nga raw sa puntong pinulikat pa siya at halos gusto na niyang sumuko.

“With minimal training. During the race, there are times that I wanted to give up coz the course is not easy, especially this race, it’s so windy, the sun is mega hot, so many uphills, or should I say uphellzz. Plus first time to experience hardcore cramps on both calves, first time!!

“It was so painful that I couldn’t pedal anymore, don’t know what to do, it happened couple of times during that 40km bike, I was thinking of giving up and stopping the race then I slowed down coz it’s so painful ang tigas na talaga ng binti ko, then someone passed by me and said: “go, Kim, don’t stop!” Then I shouted, “ayaw ko na, nag cramps ako.”

“Then she came back and gave me gel. Then left. So I took it and pedaled myself to finish the bike course. Then the final 5km run. Had side stomach cramps throughout the run but I still pushed myself and told myself to “finish the race, finish the race!!” And just like that!!!!! I am a standard duathlon finisher. 🏁🏃🏻‍♀️🚴🏻‍♀️🏃🏻‍♀️,” kwento ni Kim.

Tulad din daw ito ng buhay na hindi parating smooth ang daan pero ang importante ay alam natin kung saan tayo pupunta.

“Just like how it is in life. There is never an easy road for us to reach our goal, we have to remain focused, calm, and know what our goal is, why are we doing this. There may be obstacles that we encounter but know that someone will help you along the way, you just have to keep going and never give up because at the end of the day. It is you vs you and no one else. Just like what #missuniverse2021 said “you are the leader of your life. You are the voice of your own,” saad ni Kim.

Leave A Reply

Your email address will not be published.