Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon umeksena ang boobs

0 570

Dahil nga nasa MECQ Flex ang buong NCR +. Kamustahin naman natin ang huling apat na reyna sa showbizlandia, ano ba ang mga ganap kina Nora Aunor, Vilma Santos, Maricel Soriano at Sharon Cuneta?

Unahin muna natin ang megastar. Dahil nga kapansin-pansin ang healthy niyang pagpayat, marami ang nagtataka at gustong mahibang kung bakit ang kanyang boobies, parang imbes na lumiit dahil nga weight loss niya, eh parang lalong mas naging plump pomelos, huh!

Ang reaction ni Ate Shawie sa mga dudosa at dudosa dahil sa kanyang tila bukod tanging pinagpala sa lahat na boobies: “Tunay yan.3 na anak na binuhay niyan lalo na si Miel. Tapos ng wagas at pumayat!”

Hindi ba panalo ang pahayag ng dating Madam Chairman.

Ang diva that you love, ang inaabangan eh kung may harutan at pangmalakasang lampungan si Sharon at si Marco Gumabao sa “Revirginized.” She is indeed a lovely cougar paired to a hotter than hot cub like Gumabao. Parang panalong pantasya ang CuBao love team, sa true lang tayo palagi.

Nora glamorosang kontrabida

Palakpakan na may kasamang sigawan para sa nag-iisang superstar Nora Aunor is truly in order? Bakit kaniyo?

Kasi naman, impressive ang kanyang mga glamour photo na lumalabas sa social media para sa pelikulang “Kontrabida.”

Ang diva that you love, ang huling pagkakataon na napanood si La Aunor na super glamorosa at nagmamayaman ay sa Leroy Salvador classic na “Beloved” kung saan hindi siya nagpakabog sa may pribelihiyong magmagandang si Ms. Hilda Koronel. Mid-1980’s pa ang pelikula.

Sa restored versions ng mga pelikulang “Ikaw Ay Akin” at sa “T-Bird at Ako,” kapwa middle class ang kanyang mga katauhan na sinagpang talaga ni Nora. Horticulturist siya sa Ishmael Bernal love triangle movie kung saan ang iconic no speaking lines confrontation scene nila ni Vilma Santos ay hindi malimot-limutin. Abogadang mayaman naman ang katauhan niya sa lesbian themed film ni Danny Zialcita.

Kaya nakakatuwa na buhay of an antagonist na made up and styled to perfection ang gagampanan ni Aunor. Nakakilig ang kaganapang ito, hindi ba naman?

Vilma abangers maging lola

Dahil kasal na nga ang kanyang panganay na si Luis Philippe Manzano sa kabiyak nitong si Jessy Mendiola, ang pagiging lola sa kanyang first grand child siyempre ang inaabangang pangyayari kay Ate Vi.

SM food to go Banner Ad

Tiyak kakaririn ni Congresswoman Recto ang kanyang pagiging lola dearest. Matagal na rin naman niyang idinadalangin at inaasam na makapag-asawa na si Luis .Pati na ang pagdating ng kanyang apo.

Inaabangan rin siyempre kung ano ang susunod niyang plano sa kanyang karerang politikal. Totoo nga ba ang haka-haka na sa pagiging senador ang susunod na nais tahakin ni Rosa Vilma?

O mas makikinig siya sa lambing at panawagan ng mga nanalig sa kanyang kakayahan na maging bise-presidente at maging katambal ni Isko? Matunog si Moreno sa posisyong Presidente ng Republika ng Pilipinas.

Ang pagsasanib pwersa raw nina Rosa Vilma Santos-Recto at Francisco Domagoso ang “bagong pag-asa para sa bagong Pilipinas.”

Maricel mauuna sa billing kay Shawie

Marami ang natuwa at humanga sa brillo at galing ni Diamond Star Maricel sa dramang “Ang sa Iyo ay Akin.” Ang mga millennial na tumutok sa teleserye, tiyak may mainam silang paghanga at pananalig sa kahusayan ni Inay Marya.

Ano nga ba ang dapat gawin ni Soriano matapos makasama sa isang primetime melodrama?

Pelikula na dapat ang kasunod. At huwag namang horror lalo na nga’t ang daming pa mga katauhan na mga babae na pwedeng bigyang buhay ni Maricel sa pinalakang tabing.

Pwede siyang walang takot at walang inuurungang abogada. Isang tanyag na doktorang unti-unting nawawalan ng mga ala-ala. O kaya isang dalub-gurong may tinatagong relasyon sa kapwa niya guro, na mas bata sa kanya at babae. O, kaya bilang madre na nababawasan ang pananalig at pagmamahal ng Maykapal dahil sa kanyang psychological make up.

Ang panalo kay Maricel, pwede siyang maging mayaman, pwedeng naghihirap o pinahihirapan. Pwedeng nagpapatawa o babaing baklang-bakla. Pwedeng malalim at seryoso, may saltik. At mas lalong pwedeng maging lovable at romantika. (Tapos na ang script ni Ricky Lee para sa bagong movie ni Maricel at ididirek ni Joel Lamangan under Godfather Productions-ED).

Ang diva that you love ang dasal, kung sina Nora Aunor at Vilma Santos nga ay tatlong ulit na yatang nagsama sa pelikula, hinog na hinog na dapat sina Maricel at Sharon ay magsama na rin.

At by virtue of seniority, dapat ang diamond star ang mauna sa billing sa megastar. Iyan ang tama at totoo, di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.