Abante Tonite Interactive

Sharon walang paki sa pulitika

By
0 3,273

Nagpasintabi  si Sharon Cuneta sa kanyang asawang si Senador  Kiko Pangilinan kaugnay sa mensaheng ipinaabot sa kanya ni President  Rodrigo Duterte kamakailan lang.

 Nagulat ang mga following ni Sharon nang bumalandra sa Instagram wall nya ang close-up video shot ni President Duterte na nagsasabi ng kanyang mensahe.

Sa video nagpasalamat si Digong kay Sharon sa pagiging magkaibigan nila  at ng anak niyang si  Davao Mayor Sarah Duterte .Ipinagmalaki pa niyang  supporter  ang anak n’ya ng megastar..

“Ma’m  Sharon Thank you for remembering me. I am your good friend and my daughter Sarah ay talagang ina-idolize ka hanggang ngayon.  Iam happy that she choose the right person to be an inspiration.   She has been an avid admirer and ako rin, of all the many things you have done fo me and for  the family I’m grateful.  Maraming salamat and may you live for a thousand years.”

Hindi sinabi kung para saan at ano ang okasyon kung bakit bilang nag-render ng kanyang personal message si President Duterte kay Sharon .

Sa caption  ng video, maraming rebelasyon ang megastar  na siyang dahilan para humingi sya ng ilang beses na paumanhin sa asawang si Kiko.

@reallysharoncuneta, “Wow, thank you very much, Mr. President, sir, my ‘Tatay Digong’!!! All politics aside and with all due respect to my husband who so understands my “wala akong pakialam sa politika”, I got this precious gift of a message (taken a few evenings ago) from President Rodrigo Duterte himself!!!

“You may not know this but Davao City Mayor Sarah and I have been friends since 2012.  We never cared about each other’s politics, though I adore her as much as she, a “Sharonian” as the President himself once said, much adore me too.  I am blessed that she and I are sincere and thoughtful enough to separate politics from what after all is more lasting – our friendship.

“Now I have this message to treasure forever! ALL POLITICS ASIDE,  Excuse me po, pero si Pangulong Duterte po ito! So sorry am not sorry but in fact, am thrilled!

“Maraming salamat po, Mr. President. Ang yabang ko po ngayon dahil dito! And one day, I shall sing your favorite “IKAW” for you.  God bless you po. May our father in heaven guide you and lead you only to what will make our country great

“(Thank you Kiko for your understanding and respect for me as your a political/unpolitical wife,) Posting with permission (Kuya Chet, I know you’re happy but inggit ka no?!!! Hahaha!).”

Sumuporta naman kay Sharon ang marami nyang following na hindi kumontra sa kasiyahan ng megastar

Anne ayaw magpabuntis dahil sa London Marathon

Matapos tumakbo sa New York marathon nu’ng 2016, ang London Marathon naman ang pinanggigilang salihan ni Anne Curtis.

Nagsimula na si Anne sa kanyang training bilang paghahanda sa paglahok niya sa isa sa pinakamalaking marathon event sa buong mundo . Nilahukan ito  ng maraming participants sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ibinalita ni Anne ang pagsali niya sa LM  sa kanyang Twitter account.

@annecurtissmith, “Wondering how I can get enough sleep to get up to run in 4 hours. 25 km will be struggle but I have to do it.  Training for the @LondonMarathon is no joke!”.

Hindi naman bago sa mundo ng showbiz ang pagkahilig ni Anne sa marathon lalo’t napabalitang lumahok din siya sa New York marathon.

Ngayong November 4, 2018 ang schedule ng NYM.  Huwag lang sanang mabubuntis si Anne bago sumapit ang takdang araw ng marathon dahil siguradong hindi  siya puwedeng tumakbo.

Anyway, abangan na lang natin ang mga susunod pang mga kaganapan sa buhay ni Anne kung mabubuntis ba siya sa taong ito? Ayon kasi sa kanya,  anumang oras na mabiyayaan  sila ay buong puso niya itong tatanggapin.

Video scandal ni Michael tanggap  ni Garie

Malabo pang ipakilala ni Garie Concepcion sa kanyang amang si Gabby Concepcion ang current boyfriend niyang  si Michael Pangilinan.

Si Garie ang anak ni Gabby kay Grace Ibuna.  Kapatid sa ama ni KC Concepcion si  Garie.

Si Michael naman ay isang R&B singer na sumali sa “Your Face Sounds Familiar” noong 2016.

Magdadalawang taon na ang relasyon nila ni Garie pero kay KC pa lang daw niya ipinakilala si Michael.

Lumalabas na hindi priority ni Garie ang ama n’yang si Gabby pagdating sa personal life n’ya. Ayon pa sa ‘La Luna Sangre’ star,  mas importante sa kanya kung ano ang magiging reaksyon ng Mommy niya sa pagkakaroon niya ng lovelife kaysa sa Daddy n’ya.

Hindi pa masabi ni Garie kung kailan niya ihaharap si Michael sa Daddy niya.  Hindi naman raw sila madalas magkita ng ama dahil abala ito sa kanyang trabaho.

Ipinakilala na ni Garie si Michael sa ate niyang si KC.  Medyo nailang daw si Michael kaya hindi ito nakapagsalita sa meet-up na ‘yun.

Pagdating naman sa mga kumalat na video scandal ni Michael, tinanggap daw ito ni Garie dahil nakaraan na ito ng kasintahan.

Anumang video scandal pa ni Michael ang lalabas mula sa kanyang past ay uunawain at tatanggapin pa rin ni Garie.

Nagbabala lang ang singer-actress na huwag lang n’yang malalaman na ‘nambababae’ o ‘nilololoko’ siya  ni Michael dahil hindi raw mangingimi si Garie na makipag-break.