Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sharon,Gabby wedding ring pinamana kay KC

0 565

NI: ARCHIE LIAO

Pinag-uusapan ang pinakabagong post ni Megastar Sharon Cuneta kung saan ipinakita niya ang kanyang mga mamahaling singsing.

Nag-reminisce pa siya sa kanyang amang nagbigay sa kanya ng isa sa mga heirloom niya: ang dating alkalde ng Pasay sa Mayor Pablo Cuneta.

“I do feel like Pablo. Not Kanye, but Pablo Cuneta. Oh Daddy…I miss you so much. Wish you were here to punch some people in the face for me! Hahaha!” caption ng kanyang post sa Instagram.

Hirit naman ng mga netizens, na-miss ng singer-actress ang kanyang daddy na kung buhay ngayon ay mananatiling tagapagtaNggol ng megastar.

Isa namang netizen ang nagkomento sa kanyang post at nagsabing “Can’t help but notice all your rings. Sana all.”

Hindi naman dinedma ito ni Sharon at sinagot na “Those are my other “wedding rings” for two different wedding anniversaries. The one ring on my other hand is my daddy’s wedding ring.”

Sinundan pa ito ni Sharon ng hanash na: “Oh and that big red ring is my birthstone, the Garnet. I always wear it. Someone said it’s supposed to be my ‘power ring.’ Naks.”

Isa namang kate-katerang netizen ang deretsahang nagtanong kay Sharon kung ano ang nangyari sa wedding ring nito sa ex na si Gabby Concepcion.

Sey ng netizen: “@reallysharoncuneta Ms.Mega I hope you won’t mind my curiosity but did you keep your wedding/ engagement ring from Gabby C?”

Game namang nag-reply ang Megastar na :“I gave my wedding ring to KC many years ago.”

Dahil sa rebelasyong ito, nag-opinyon ang ilang mahadera at nagsabing kinalimutan na raw talaga ni Sharon si Gabby at ayaw nang magkaroon pa ang recuerdo o alaala mula rito.

Pagtatanggol naman ng ilan, wala raw namang masama kung ipamana o ibigay ni Sharon ang wedding ring nila ng ex sa kanyang panganay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.