Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shaw kakasa sa Blackwater

0 192

Pumasok na rin sa Clark bubble ang rookie ng Blackwater Bossing na si Maurice Shaw.

Ang 35-anyos na center/forward ang oldest sa 2019 class ng rookies noong December. Karamihang players na nasa bisinidad ng kanyang edad, papunta na sa retirement pero si Shaw ay magsisimula pa lang.

Hindi pa lang agad nakasama si Shaw sa practice ng Bossing dahil kinailangan muna niyang mag-quarantine ng 48 hours.

Kasabay pumasok ng restart PBA playing venue ng Fil-Am sina Raymund Almazan ng Meralco, JC Intal at Jorey Napoles ng Phoenix.

Second pick overall ng Bossing si Shaw, tubong Biñan, Laguna na produkto ng Hutchinson Community College sa Kansas.

SM food to go Banner Ad

Maliban sa basketball, ginamit din ni Shaw ang kanyang bruskong 6-foot-9 frame para maglaro ng football, nag-tryout sa national combine sa NFL noong 2013.

Linggo lang napasok sa Quest Hotel si Shaw, galing US at nakabalik lang ng Manila last week ng September.

Paglabas ng negative results ng swab test, puwede na ngayong araw makipag-scrimmage ang late comers.

“Good thing for us, andito na siya (Shaw),” ani Blackwater coach Racela.

Si Shaw ang inaasahang ipoposte ng Blackwater sa gitna, kasabay nina Mac Belo, James Sena at Marion Magat. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.