Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shawie binantaan ang gagaya sa kanyang bahay

0 879

Ipinakita ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram followers ang finished draft ng ipinapagawa niyang mansion at wala kaming masabi talaga sa laki. Para siyang isang buong subdivision or mini-mall na may iba’t ibang wings. At kailangan mo pang mag-kotse para maikot lahat kung ayaw mong mapagod sa paglalakad.

Sa caption ni Shawie, nagbanta siya na kapag ginaya raw ang kanyang bahay ay maghahabol sila ng kanyang architect na si Conrad Onglao (partner ni Zsa Zsa Padilla).

“If anyone makes this gaya, my architect Conrad Onglao – and I – will come after you (face with tears of joy emojis)!

“This isn’t complete pa. Made additions to doghouse and pool area.Our pool was supposed to be an Infinity Pool, but I had them copy our pool with a hot tub in our former home in Calabasas, California because my children loved that so much

“And yes, we are installing lots of solar panels and will have rainwater-collecting tanks,” pahayag ni Megastar sa caption.

Ayon pa kay Shawie ay nagdesisyon na raw siyang simulan ang construction ng bahay noong August, 2020 para na rin makapagbigay ng trabaho sa mga construction workers.

“Decided to not wait and started building in August 2020 because so many have been jobless, and I wanted to provide jobs to our construction workers.

“In return, they have been building our home lovingly and have been a blessing to us. God bless you!” aniya.

“Lahat ng artista pinakita ang mga bahay. Kasama sa inaasahan ng Sharonians na makita naman ang amin! So this is for you,” pagtatapos ng post ni Shawie.

Ang total floor area ng mansion ay 2,300 sqm na itinatayo sa limang lote with a total of more or less 3,000 sqm. Ang main wing ay ang family home na kalahati ng buong structure.

SM food to go Banner Ad

Sa ngayon ay tapos na raw ang basement parking at ang kasalukuyang ginagawa na ay ang ground floor ng family house wing.

“Matapos sana agad – pero mga 1-1/2 years pa siguro – para lahat ng doggies ko makalipat na rin sa house nila sa may pool, may garden na kami at may sariling kuwarto ang iba sa doggies ko sa family home,” pagbabahagi pa ni Sharon in one of her posts.

Nadine wapakels sa mga nega

Sunod sunod ang tweets ni Nadine Lustre last Thursday bilang pagsagot sa kanyang mga haters. Aniya ay wala raw siyang paki kung marami mang nangba-bash sa kanya at nagpasalamat din sa kanyang mga fans na nagtatanggol sa kanya.

“Btw, 4.7m likes. couldn’t care less if it was people shitting on me. it gave good analytics. or views. yall can chill now. no need to make bantay to defend. grateful for all of you,” tweet ni Nadine.

Dagdag pa niya, “people are always so thirsty to shit on someone.”

Ikinuwento rin niyang sanay na siya sa pangbu-bully dahil lagi raw niya itong nararanasan noong bata pa siya.

“I’ve always been bullied since I was younger, so im totally used to it. I’ve become bullet proof. Im very much concerned for people who don’t have the same mental + emotional load as me.

“But then at the end of the day, pretty sure there are reasons as to why people act a certain way.

“Even the bullies in drag race eventually come clean at the end of the show. so girl, let’s talk,” tweet ni Nadine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.