Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shawie nagpapayat kay Gabby

0 269

NI:ARCHIE LIAO

Viral ang video ni Sharon Cuneta kung saan makikita siyang nagi-ehersisyo sa treadmill.

Pagbabahagi ng Megastar, matagal na raw siyang hindi nakakatapak sa treadmill dahil malaking effort para sa kanya ang pagbabawas ng timbang.

Matatandaan din kasing nagkaroon ng isyu sa kalusugan ang singer-actress kaya hirap sa kanya ang mag-lose ng weight.

Ngayon, gusto na niya muling bahagi ito ng kanyang daily routine.

“I’m on my treadmill and I have to tell you, I hate this. My speed is 3.5 and my time is 29 minutes and 12 seconds,”aniya.

Related Posts

“To be honest, it’s the first time I am doing the treadmill in a very, very, very long time and I partly miss it and the big part of me really does not like it,” dugtong niya.

Aniya, kailangan daw niyang gawin ito para na rin sa kanyang kalusugan.

Dagdag pa niya, gusto raw niyang magkasya sa kanya ang mga damit na inorder pa niya abroad.

“I want to look good in my clothes because I ordered clothes from abroad and they haven’t arrived and I ordered them in a smaller size,”paliwanag niya.

“So, if my clothes don’t push me to fit into them, I don’t know what will I do because, medyo hindi masyadong mura,” pahabol niya.

Marami namang Sharonians ang nagbunyi sa ginawang pagti-treadmill ng aktres.

Sey nila, marahil daw ay pinaghahandaan na rin nito ang proyekto nila nina Juday at Regine at ang posibleng balik-tambalan nila ng ex na si Gabby Concepcion.

Leave A Reply

Your email address will not be published.