Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shawl ginamit ng negosyante sa pagbibigti

0 66

Sa labis na kalungkutan nang mamatay ang misis sa isang aksidente, winakasan na rin ng isang negosyante ang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti gamit ang ‘shawl’ sa Quezon City, nitong Miyerkules ng madaling araw.

Ang biktima ay isang Indian National, 33, taga-Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PMSg Julius Cesar Balbuena, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, ika-4:05 ng madaling araw (February 10) nang matagpuan ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng kaniyang tahanan.

Ayon umano sa landlady ng biktima, maglilinis sana siya sa garden nang masilip nito ang nakabigting katawan ng biktima gamit ang shawl na ipinulupot sa leeg at isinabit sa kisame.

Sa takot ay agad na ini-report ng landlady ang insidente.

Lumilitaw na labis na kalungkutan ang dinanas ng biktima nang mamatay sa aksidente ang misis nito. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.