Abante Tonite Interactive

‘She-Boom’ girl Rachel eksperto sa apoy

419

Nakilala si Rachel Lobangco noon bilang ‘She-Boom’ girl dahil sa kanyang taglay na kaseksihan. Ito’y dahil lumabas siya sa commercial ng isang serbesa. Nabighani niya ang maraming barako sa kanyang tanned skin at makurbang katawan.

Sa IG post ni Rachel kamakailan ay tiyak na marami na namang kalalakihan ang nag-init ang katawan. Nakagigigil kasi ang kanyang sexy photo rito na tila tinatakam ang lahat ng kalahi ni Adan.

Sa kanyang naturang photo ay naka-side view si Rachel at nakasuot ng black panty. Wala siyang saplot na pang-itaas habang sakmal-sakmal ang kanyang malusog na boobs.

Ngayon ay nakabase ang aktres sa Boracay at kilala rin bilang photographer. Itinuturing din si Rachel sa nasabing Paradise Island bilang Queen of Fire Dancing.

Si Rachel ay maihahalintulad sa isang espesyal na alak na habang tumatagal ay mas lalong sumasarap.

Sadyang walang kupas ang kalahing ito ni Eba at tiyak na maraming member ng opposite sex ang magkakandarapa, masimsim lang ang taglay na halimuyak at alindog ni Rachel. (Nonie Nicasio)