Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sheena sobrang sungit sa dyowa

0 634

Mahaba ang litanya ni Sheena Halili sa kanyang mister na si Atty. Jeron Manzanero.

Mababasa sa kanyang Instagram account

@mysheenahalili, “Sa aking napakabait at supportive na asawa. Throwback photos natin oh mula nung nag date palang tayo at lahat yan first. First out of the country trip(Singapore), first roadtrip, first time mo akong isama sa work, at ung last photo una natin date sa bahay ninyo sa Tagaytay.

“Babe, masayang masaya ako ikaw ang asawa ko. Napakasaya ng life ko with you.

“Four months na tayong mag-asawa walang nag bago kung hindi mas minahal kita at ramdam ko rin na mas minahal mo ako at nakakatuwa gaano ka kaasikaso sa amin ni baby. Grabe yung kasungitan na ginawa ko sayo nung 2nd month nating mag-asawa na di natin alam pareho bakit. Yun pala pregnant nako kaya kagulo na hormones ko haha.

“Pero natatandaan ko na kahit sobrang difficult ko na noon, iisa lang ang sinabi mo sakin. Asawa kita, mahal kita kung ganyan ka okay lang, kaya kita!

“Apat na buwan, ang daming nangyari. Kinasal tayo, asawa na kita, ngayon magiging magulang na tayo

“Di ako nagkamali sa desisyon ko, ang pinakamalaking desisyon sa buhay ko na pumili ng makakasama habang buhay. I love you babe! Habaan mo pa pasensya mo ha? Hahaha alam ko pagod ka sa work everyday pero promise ko magiging strong ako always for you and baby SheeNimo! Next month malalaman na natin gender niya ..exciting!

“Sana lahat ng lalake katulad mo. Para happy wife, happy life! @jemanzanero sobrang pogi mo nanaman sa post ko!labyu! Uwi ka maaga, pwede na tayo magluto sa bahay! Di na maselan pang-amoy ko but no garlic pls!

P.S. salamat lagi ka present sa checkups namin ni baby kahit busy ka sa work. Bibigyan mo kami ng time. Tama ka hindi lang ako ang pregnant, buntis tayong dalawa dahil sa lahat ng hirap ko sa lihi andun ka. Lahat ng gusto at kailangan namin ni baby binibigay mo. “

May nagkomento naman na netizen na hindi pinalagpas ni Sheena.

@jelenguanzon,” Bka next year mapabalitang hiwalay na din kau ha katulad ng iba 😂 pero wag nman sana, sayang ei ❤ stay strong ❤❤”

Pakli ng aktres,”@jelenguanzon ikaw ba naghiwalay kayo ng asawa mo?”

Pinagtanggol din si Sheena ng mga follower niya,” @mhai.diosa, “@jelenguanzon hindi ako ma comment sa mga post.. pero girl.. that is so rude.. buntis po siya.. babe ka din.. wag ganun mars! ms. @mysheenahalili have a healthy and happy pregnancy… enjoy the journey..”

@ilovezoe052, “@jelenguanzon if wala. nmn ssbhin na maganda tahimik nlng buntis un tao what if sau gawin sa kaptid mu dba nakakainis.. Alam mu insensitive ako bfore pero pangit bad un ganun ugali my masabi ndi iniisp ssbhin ggwin. @mysheenahalili is such a nice girl and I dont think maghihiwalay sila. bago ka mgcomment nuod ka muna sa vlog nia then comment ka ulit if masasabi mu yan. Un lang PEACE.”

@estefany_dy,”@jelenguanzon wala ka sigurong forever noh? Well, I pray na sana makahanap ka ng magmahal sayo kagaya ng kay Sheena.”

Nagpasalamat naman si Sheena sa mga gumulpi kay @jelenguanzon sa IG.

Talbog!

ABS-CBN todo pasalamat sa mga tapyas TF beauty

Nagpasalamat ang ABS-CBN sa Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) at Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) na parehong nagpahayag ng kanilang suporta sa network at umapela sa Kongreso na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

“Lubos po ang aming pasasalamat sa PAMI at OPM na ibinahagi sa ating mga mambabatas kung bakit dapat na magpatuloy ang paglilingkod ng ABS-CBN. Patuloy kaming kumukuha ng lakas at inspirasyon mula sa aming mga kasamahan sa industriya at sa lahat ng taong aming pinaglilingkuran,” sabi ni ABS-CBN chief operating officer of broadcast Cory Vidanes.

Sa pagdinig sa Kamara noong Martes (Hunyo 30), nakiusap sina PAMI president June Rufino at OPM president Ogie Alcasid na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN at binanggit ang mga naging kontribusyon nito at mga trabahong ibinigay sa mga artista at singer.

Ipinaliwanag ni Rufino sa pahayag niya na ang 400 artista na hawak ng PAMI ay katumbas ng 5,000 pamilya na mawawalan ng kabuhayan kapag hindi nabigyan ng prangkisa ang network.

“It is therefore our humble plea to the honorable franchise committee to find it in your hearts and consciousness the future of over 5,000 families who are dependent and hopeful for your affirmative decision on the franchise renewal of ABS-CBN,” pahayag niya.

Samantala, ibinahagi naman ni Alcasid na tinutulungan ng iba’t ibang platforms at TV shows ng ABS-CBN na matupad ang pangarap ng mga mang-aawit sa bansa at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga pamllya.

“Naniniwala po kami na napakalaki po ng naitulong at maitutulong pa ng kanilang music platforms upang matulungan po ang ating mga local singers at songwriters na maipalabas at maiparinig ang kanilang created content tulad ng kanilang mga awitin at ang kanila pong performances,” pahayag niya.

“Napakarami na pong singer ang nabigyan ng pagkakataon na maiahon ang kanilang pamilya at mabigyan ng kaliwanagan ang kanilang mga pangarap na maging isang ganap na singer,” dagdag ni Alcasid.

Hiniling din ni Rufino na patuloy silang bigyan ng pagkakataong maging bahagi ng mga programa ng ABS-CBN na nagdadala ng saya sa mga Pilipino sa buong mundo.

“In our own little way, we are deeply blessed and honored to be part of ABS-CBN’s many ways to be of service to the Filipinos worldwide. It is in our prayers that we will be allowed to keep on doing what we are truly and passionately love to do,” ani Rufino.

Kamakailan naman, nagkasundo ang mga artista ng ABS-CBN at mga talent manager na bawasan ang talent fees sa mga palabas para tulungan ang network na makatipid habang hindi pa ito nakakabalik sa ere.

“Nagpapasalamat kami sa PAMI at lahat ng talent managers sa pang-unawa at konsiderasyon nila habang patuloy kaming nagsisikap sa paghahatid ng saya sa mga manonood sa pamamagitan ng aming mga programa,” pahayag ni Vidanes.

Ibinalik ng ABS-CBN ang ilang programa nito sa telebisyon sa Kapamilya Channel na napapanood sa cable at satellite TV sa buong bansa. Kabilang sa mga ito ang “FPJ’s Ang Probinsyano,” “A Soldier’s Heart,” “Love Thy Woman,” “Magandang Buhay,” “The Voice Teens,” “ASAP Natin ‘To,” and “It’s Showtime.” Naglunsad din ito ng mga bagong palabas na “Paano Kita Mapapasalamatan” at “Iba Yan.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.