Abante Tonite Interactive

Sheila Mae ultimate crush si JM

563

Si Sheila Mae Malaga ang Tonite Babe Ganda Mo, Teh! candidate Number 5. Siya’y 18 years old, may taas na 5’4 at may vital statistics na 33-23-34. Ang hobby niya ay modeling, singing and playing volleyball. Siya ay nag-aaral sa San Jose Litex Senior High ng kursong Humanities and Social Science (HUMSS).

Si Shiela Mae ang reig­ning Ms. San Jose Senior High School at 2nd runner up sa Binibining San Isidro.

Binanggit ni Sheila Mae ang dream niyang matupad o ma-achieve sa buhay. “I want to be a teacher and yes, I also want to be a beauty queen. If may opportunity naman po sa showbiz, why not po, ‘di ba?

“Always grab lang po lahat ng opportunity na dumadating sa atin” nakatawang saad pa niya.

Ano ang mayroon siya na wala ang ibang candidates ng Tonite Babe? “I think I have the sexiest kind of eyes… I’m witty.”

Ano ang bet niyang BF, bagets na guwapo pero walang pera or older guys pero maraming pera? “Siyempre roon po tayo sa handsome na kasing age ko lang po, dahil ang pera naman po kinikita iyan, hehehe.”

Sino naman ang crush o pantasya niyang aktor? Why? “My ultimate crush is JM de Guzman. Kasi super lakas ng sense of humor niya po, Hihihihi!”

Kung bibigyan siya ng pagkakataon, sinong aktres ang gustong makamukha? “Si Ellen Adarna po, hehehe. Kasi po super sexy niya, tapos may iba-iba rin po na nagsasabing medyo may hawig kami, hehehehe.”

Sino sa tingin niya ang pinakaseksing aktor sa showbiz? “Si JM de Guzman po, because he’s my ultimate crush and para sa akin, almost perfect po siya. Hehehe,” pabungisngis na saad pa ni Tonite Babe Ganda Mo, Teh candidate Number 5.

Creative Director: Roldan Castro, Project Director: Meg Perez, Photographer: Ben Nollora, Fashion Sty­list: Lulu Pineda, Swimwear: Julius Pegarro. Make Up: Cut Encarnacion Group Of Salon, Creative Team: Pariji Penaflor, Edwin Cuasay, Ariel Carlo Reyes, LJ Gellido.

Sa mga gustong sumali para maging Abante Babe para sa buwan ng September, ipadala ang inyong close up at whole body picture, bio data sa roldancastro2015@gmail.com, 18 to 28 years old, 5’3” pataas.

Para naman bumoto, gupitin sa Abante Tonite ang (Sheila Mae Malaga, Tonite Babe #5, 70 % ang katumbas) at lakipan ng logo ng Abante Tonite na may petsa, lagyan ng pangalan ng nagpadala, address at telepono.

May sorpresang premyong nakalaan sa mabubunot na Abante Tonite reader buwan-buwan at may tsansa na makapanood sa grand coronation. Ipadala ito sa Tonite Babe, Abante Tonite office sa 3rd floor Karrivin Plaza Building, 2316 Chino Roces Avenue Extension, Makati City. Puwede ring sumadya sa opisina at ihulog sa drop box.

Mahigpit na ipinagbabawal na lumahok ang mga empleyado at kamag-anak ng PRAGE Management Services hanggang sa second degree of consangui­nity.

Puwede ring mag-like online sa kanyang photo para sa karagdagang puntos (30%). Bisitahin ang Abante Tonite Facebook Page, AbanteTNT sa Instagram. Para masilip ang ibang seksing larawan ni Sheila, dumalaw sa website na www.tonite.abante.com.ph.