Abante Tonite Interactive

Shellfish ban sa VisMin

By
9

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and ­Aquatic Resources (BFAR) sa pagkain ng mga shellfish na nakukuha mula sa ilang karagatan sa Samar, Leyte, Iloilo, Palawan, Masbate, Negros Oriental, at Davao Oriental dahil hindi umano ­ligtas kainin.

Ayon sa BFAR, tinukoy nito ang mga lugar na positibo sa paralytic shellfish poison ang mga shellfish sa mga karagatang ­kinabibilangan ng Irong-Irong, Marqueda Bay at Villareal Bay sa Western Samar; Matarinao Bay sa Eastern ­Samar; Carigara Bay sa Leyte; Balite Bay, Mati sa Davao Oriental; Tambobo Bay, Siaton sa ­Negros ­Oriental; Inner Malampaya Sound, ­Taytay at ­Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa ­Palawan; mga karagatan ng Gigantes Island, ­Carles sa Iloilo; Mandaon at Placer sa Masbate; at Daram Island sa Western Samar na ngayon ay positibo na rin sa red tide toxin.