Abante Tonite Interactive

Shellfish sa Palawan apektado ng red tide

0 207

Apektado pa rin ng nakamamatay na ‘red tide toxin’ ang bahagi ng Puerto Prin-cesa Bay ng Puerto Princesa City, Palawan, ayon sa report ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture (DA).

Bukod dito, nananatili pa rin ang red tide maging sa maraming baybayin ng Western Samar na kinabibilangan ng San Pedro, Maqueda, Irong-irong, Silanga, Canbatutay at maging ang mga coastal water ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at Liangga Bay ng Surigao del Sur.

Samantala, idineklara namang ligtas na sa panganib ng red tide toxin ang bahagi ng Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental.

Pinaalalahanan naman ni BFAR Director at Agriculture Undersecretary for Fisheries Eduardo Gongona ang publiko na huwag o iwasan munang manguha, magbenta o kumain ng mga shellfish at alamang upang makasiguro sa kanilang kaligtasan.

Subalit puwede namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimango sa naturang lugar basta’t lilinisin lang at lulutuing mabuti. (Dolly Cabreza)