Abante Tonite Interactive

Shellfish sa Palawan, Bohol positibo pa sa red tide

282

Positibo pa rin umano sa nakalalasong red tide ang ilang baybayin sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Agriculture-Bureau of fish & Aquatic Resources (DA-BFAR).

Sa latest laboratory result ng DA-BFAR, positibo pa rin sa paralytic shellfish poison ang Puerto Princesa Bay ng Puerto Princesa City Palawan; coastal water ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.

Samantala nakataas rin ang red tide alert sa katubigan ng Western Samar partikular ang Irong-irong, San Pedro at Silanga maging ang Cancabato Bay sa Tacloban City, Leyte.

Pinapayuhan ang residente sa naturang mga lugar na huwag manguha, magbenta o kumain ng lamang-dagat hangga’t hindi pa nagbibigay ng abiso ang pamahalaan na ang naturang mga baybayin ay hindi na apektado ng red tide. (Dolly Cabreza)