Abante Tonite Interactive

Sheng type magpapawis

538

Roldan Castro

Fit singer kung tawagin ang dating Viva/Sony Music recording artist na si Sheng Belmonte. Kitang-kita naman sa seksing kuha niya kay Sandro Paredes (@sandroparedes on Instagram).

Kilala rin si Sheng bilang fitness enthusiast.

“Isang malaking karangalan po ang mahirang na Miss Fitspiration 2018 ng Gold’s Gym Philippines. Bilang Fitness Ambassador po ay patuloy akong magbibigay ng inspirasyon na gawing lifestyle ang pagiging fit at healthy.

“Ang pagwo-workout at pagkain nang tama ay hindi lang kapag kailangan na natin magpapayat dahil sa okasyon o dahil summer na. When someone is in his/her healthiest version of his/herself, mas marami tayong magagawa sa buhay sa araw-araw na tayo ay busy sa dami ng responsibilities bilang adult.

“Ang pagwo-workout ng katawan ay very beneficial din sa ating mental health, nakaka-reduce kasi siya ng stress, at nagbibigay ng kakaibang focus, disiplina at great exercise for how we think.

“Fitness po ang naging focus ko last year, at nakakatuwa kapag may mga taong alam kong nai-inspire because of my involvement in the fitness industry. Naipasa na nga po ang title na Miss Fitspiration sa newly crowned winner this 2019, pero hindi po du’n natatapos ang aking pagiging Fitspiration. I think nasa dugo ko na po talaga ang pagiging ‘fit singer,’” deklara niya.

Dugtong pa ni Sheng: “Grateful po ako that I get to do both of these passions, fitness and music. Naka-focus po ako uli ngayon sa pagsusulat at paggawa ng kanta. Nakaka-excite po kasi I get to work with different producers now like Marcus Davis. Dati ko na po siyang gusto makatrabaho. Nai-enjoy ko rin po ang process ng paggawa ng kanta ngayon dahil may time po to grow as an artist. May collaboration song din po ako about to come out with Q-York. At iba pang naka-line up na collaborations with different artists.”

Abala ngayon si Sheng sa pagkanta sa events at corporate shows. Palipad din siya sa end of April para magpasaya at maghandog ng awitin sa isang birthday party.