Abante Tonite Interactive

Sheree feeling virgin bilang madre

0 400

Ni Nonie V. Nicasio

May cameo role ang dating Viva Hot Babe na si Sheree sa pelikulang ‘Sons of Nanay Sabel’ na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas.

Medyo kakaiba ang mapapanood dito kay Sheree na kilala sa kanyang pagiging palaban sa sexy roles. Gaganap kasi siya bilang isang madre sa pelikulang ito ni Direk Dado Lumibao na ipalalabas na sa May 1.

Ano ang feeling na madre siya sa movie? First time ba niyang gumanap sa ganitong klaseng role?

“Yes po, first time kong maging madre kaya ang feeling ko ay parang virgin ako sa movie, hahahaha!” Nakatawang saad ni Sheree.

Parang weird ba na sanay siya sa sexy roles, tapos madre siya sa pelikulang ito na balot na balot ang suot?

“Hindi naman po weird, kasi comedy naman po ‘yung movie. Na-enjoy ko pa rin naman po ‘yung role ko sa movie, bilang madre,” aniya pa.

Ano ang masasabi niya kay Ai-Ai bilang katrabaho?

“Si Ms. Ai-Ai ay very humble and she also helps sa scenes. Kasi medyo kinakabahan po ako noong una, kasi isa siya sa mga pinaka-favorite kong artista. Kaya nakaka-proud na nabigyan ako ng chance to work with her kahit sa maliit lang na role,” nakangiting pahayag pa ni Sheree.

Anyway, tampok din sa Sons of Nanay Sabel ang sikat na grupong Ex Battalion na gaganap bilang mga anak ni Ai-Ai. Pati na ang beauty queen turned actress na si Kylie Versoza.