Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sheryl ‘di buntis kay Jeric

0 176

ROMMEL PLACENTE:Napabalita na buntis umano si Shery Cruz na ang tinuturong ama ay ang kapareha niya sa Magkaagaw na si Jeric Gonzales.

Tinawanan lang ng aktres ang isyung ito . Ayon sa kanya ay walang bata sa loob ng kanyang tiyan.At paano raw siyang mabubuntis ni Jeric gayung magkaibigan lang sila nito?

At kung sakaling buntis nga raw siya kay Jeric ay siguradong maganda lalabas ang kanilang magiging anak Na parang sinasabi niya na maganda kasi siya at gwapo si Jeric Well,sana nga ay hindi totoong buntis ang singer-actress.Marami kasing napabalita noon na buntis tapos dinenay . Pero nang kalaunan ay umamin na rin na nabuntis nga at nagkaroon ng anak.May kasabihan nga tayong kapag may usok ay may apoy di ba?

RODEL FERNANDO: Talagang ayaw paawat ng isyu sa pagitan nina Sheryl at Jeric. Hanggang ngayon ay sentro pa rin sila ng tsismisan.

Mula sa tsikang inlabey raw ang girlalu sa boylalu ,ngayon naman ay napapabalitang buntis ang una. Nakagugulat nga naman kung totoo ito dahil parang hindi maganda sa part ni Sheryl. Pero sa pag-ibig talaga ay sinasabing hahamakin ang lahat, masunod lamang ang kagustuhan.

Andun na tayo sa sinasabi na wala namang problema kung maging sila dahil pareho namang single. Ang tanong,6seryosohin ba ni Jeric si Sheryl?. Sa dami ng mga lumalapit at nagpaparamdam na mga babae sa binata ay malabong uunahin niya ang aktres. For sure, may dyowa yang Jeric na yan na mas bata at sariwa kay Sheryl. Kahit sinasabing may asim pa ang singer-actress ay bata pa rin ang pupuntiryahin ng Kapuso actor.

Speaking of Kapuso, may isa raw talent sa GMA na nagdadalang-tao rin. Isa raw young actress na hindi pa naman katagalan sa showbiz.Tulad ni Sheryl ay inlabey din daw ito sa kanyang dyowa. Eto pa, sobrang selosa raw siya kaya para siguro di makawala ang boyfriend ay nagpabuntis na siya. Nasa edad na rin itong aktres na ito kaya okey lang din na mabuntis siya. Mas maganda nga sabihin na niya kesa naman tumulad kina Janella Salvador at Julia Montes na todo deny na buntis sila hanggang ngayon.

SM food to go Banner Ad

MILDRED BACUD: Naku kahit mag-deny si Sheryl Cruz hindi maitatago ang extra sweetness nila ni Jeric Gonzales.Makikita ‘yan sa FB ng aktres.No’n ngang birthday ng aktor espesyal ang naging mensahe niya na kung babasahin ay masasabi mong there’s something going on between them.

Pero ang haba ng buhok ni Sheryl ha. Kasi bukod sa buntis isyu, siya rin ang sinasabing dahilan naman daw ng paghihiwalay ni Jeric at sa karelasyon nito.Ganoon?

Buntis issue in showbusiness is not surprising anymore. May mga umaamin meron din naman na kahit anong mangyari ay ayaw umamin like Janella Salvador and Julia Montes.Si Janella nga obviously ay ang laki ng tinaba after giving birth diumano pero deny pa rin.Kahit nagpost na ang boyfriend nasi Marcus Paterson ng picture ng baby at ng babaeng nakahiga sa hospital ay deny pa rin at binura pa nga ang naturang post.

ROLDAN CASTRO: Hindi naman kataka-taka kung may namuong relasyon sina Sheryl at Jeric. Pruweba ‘yan na may asim pa rin ang aktres.

How true ang tsika nu’ng last year ng December ay may gulong nangyari hahang nasa Japan si Jeric. Iniwan niya raw ang karelasyon sa naturang bansa dahil sa matinding away nila dahil kay Sheryl.

Anyway , todo deny si Jeric na meron siyang karelasyon.

Ano ba talaga ang real score kina Sheryl at Jeric?

Tanging Diyos lang ang nakakaalam.

Leave A Reply

Your email address will not be published.