Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sheryl dinedma si Grace

0 645

NI: CRISTY S. FERMIN

Sa apat na gabi ng lamay para sa yumaong reyna ng pelikula ay narinig nating nagsalita bilang pag-alala sa kanya ang marami niyang kaibigan, nakasama sa pelikula at ang mga miyembro ng kanyang pamilya.

Sa apat na gabi ng burol ay hindi nagsalita sa eulogy si Sheryl Cruz, anak ng kapatid ni Manang Inday na si Rosemarie Sonora, pati ang mga kapatid nitong sina Wowie at Patrick.

Nakita si Sheryl sa Cardinal Santos Medical Center nu’ng mismong gabing mamayapa si Manang Inday, nakita rin ito nang ilang gabi sa lamay, pero ano nga ba ang nangyari at hindi ito naging bahagi ng eulogy para sa kanyang tiyahin?

Dahil du’n, Miyerkoles nang gabi bago ihinatid sa huling hantungan si Manang Inday ay gumawa ng sariling eulogy si Sheryl, idinaan nito ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng social media.

Mahaba ang kanyang lintanya, mahal na mahal daw nito ang kanyang tiyahin, binanggit din ni Sheryl ang lahat ng pangalan ng kanyang mga pinsan pero hindi nito minsan man binanggit ang pangalan ni Senadora Grace Poe.

May malalim na kaming pagsasaliksik tungkol sa kuwento na nag-ugat nu’ng 2016 pa nang magsalita nang masasakit na salita laban sa senadora si Sheryl Cruz.

Titilarin namin ang buong istorya kung bakit sa aming programang “Cristy Ferminute” sa OnePH at Radyo Singko, sa aming You Tube show na “Showbiz Now Na!” kasama sina Romel Chika at Morly Alinio, at sa kolum namin sa pahayagang ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.