Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shi Minah nagpasabog ng pambu-bully, sexual harassment

0 551

Pinabulaanan ng WKS ENE Entertainment ang rebelasyon ni Shi Minah, miyembro ng girl group na ILUV. Nag-post siya sa kanyang social media account na siya ay nakaranas umano ng pambu-bully at sexual harassment mula mismo sa mga kasamahan niyang miyembro ng ILUV.

Ang ILUV ay binubuo ng anim na miyembro. Nag-debut ito noong April 30, 2019. Pero bukod kay Shi Minah, balitang may iba pang members na umalis . Dahil dito, plano nilang i-redebut ng agency bilang BOTOPASS at walong miyembro na raw.

Pero bago ang redebut, naglabas ng pagsabog ang former member na si Shi Minah. At ang pangyayari raw na ito ay hindi lingid sa kaalaman ng mga staff ng agency.

Ang sexual harassment daw na ginawa sa kanya ay pinapanood daw sa kanya ang video na nakikipagtalik ang members sa boyfriend.

Ayon kay Shin Minah, “All the employees at the agency knows that I developed depression, panic disorder, and insomnia because of the members after I joined the agency.

“You all knew that I was having a hard time because of the members, and you told me to halt promotions until this Fall… I never even heard about a solo album. Stop lying.

Related Posts

“Did you think if you sent me a nondisclosure agreement that I’ll sign it? Why can’t I speak about my own story? Are you scared since you don’t know what I’ll do? You sent me the NDA because I’m speaking the truth.”

Naglabas din ng screenshot si Shi Minah ng hate messages na natatanggap niya mula sa ilang netizen dahil sa pagsasalita niya.

Pero, sa pagkakataong ito, ilalaban daw ni Shi Minah kung ano talaga ang totoong nangyari at naranasan niya . Part of her statement, “Will this end only when I die? Will you believe me then? I tried not to go on social media but I’m forced to come back to it as the reports keep spreading..”

Mariin namang itinanggi ng WKS ENE Entertainment ang mga rebelasyon ni Shi Minah. Nag-warning pa ang mga ito sa ilang netizen na mapipilitan silang mag-take ng legal action, kaya iwasan daw ang mga comment.

Nagulat at nasaktan daw ang ibang members sa mga naging pahayag ni Shi Minah. At bilang agency ay karapatan nilang protektahan ang mga ito.

Paninira lang daw ang ginagawa ng kanilang former artist. Magpa-file sila umano ng kaso laban kay Shi Minah sa isyung ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.