Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shido kinulit sa buntis isyu ni Winwyn

0 188

NI: VINIA VIVAR

Walang kaalam-alam si Shido Roxas kung may katotohanan ba o wala ang tsismis na kumakalat ngayon sa kanyang co-star sa Nelia na si Winwyn Marquez.

Si Winwyn kasi ang napaghihinalaang tinutukoy sa blind item na isang aktres na nagdadalang-tao ngayon.

Sa intimate tsikahan kahapon ng entertainment press with Shido ay nausisa siya kung nagkita na ba sila ni Winwyn after the shoot. Hindi rin kasi nakarating ang aktres sa Metro Manila Film Festival 2021 announcement of the official entries na ginanap kamakailan kung saan ay nga ay inanunsyong kasama ang Nelia.

“Nagtsa-chat po kami. ‘How are you?’ ganyan lang. Pero kung tatanungin n’yo po ako, sabi ko nga po sa kanila, hindi po talaga ako ma-showbiz na tao.

“Kaya nagulat po ako nang tinanong ako sa MMFF announcement kung nasaan si Winwyn. Wala po talaga akong alam. Even until now, wala hong etchos ‘to,” sey ni Shido.

“Hindi ko po alam talaga,” sabi pa ng aktor.

Sinigurado naman ng isa sa producers na si Atty. Aldwin F. Alegre of A and Q Productions na makakapag-promote si Winwyn ng Nelia and in fact ay dadalo raw ito sa presscon ng movie on Dec. 18

Sa Nelia ay ginagampanan ni Shido ang papel na isang doktor na may wild side. Mula ito sa direksyon ni Lester Dimaranan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.