Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shido nagpasilip sa IG

0 356

NI: ROLDAN CASTRO

Nairaos ang lock-in taping ni Shido Roxas sa Gapan, Nueva Ecija para sa pelikulang ‘Nelia’.

“Ay tapos na po. Masaya kaming cast sa set puro laughtrip,” tsika niya sa amin.

Enjoy siya sa kanyang papel na ginampanan sa ‘Nelia’.

“Any role given to me is a challenge. I’ll just have to do my best and I think I’ll be able to portray this role especially that I really want to play a doctor. Yes, Kasi, marami ring twist,no?!Medyo ,may sexy mga ganoon,” tumatawa niyang sagot.

SM food to go Banner Ad

Nu’ng college si Shido gusto niya na maging doctor kaya happy siya na natikman niya ito maski sa pelikula lang.

Kasama niya sa pelikulang ‘Nelia’ sina Winwyn Marquez, Raymond Bagatsing,Ali Forbes, Lloyd Samartino at Mon Confiado.

Anyway sa Instagram account niya ay may pasabog si Shido na nakatapis lang ng tuwalya. Enjoy ang mga follower niya dahil may konting pasilip siya ng hiwa ng puwet.
May karapatan naman siyang magpakita dahil maganda ang kanyang katawan.

Napanood si Shido sa movie na ‘Isa pang Bahaghari,’ ‘Rainbow’s Sunset’. Ganoon din sa seryeng ‘Beauty Queens’ at ‘Love Thy Woman’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.