Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shin Mina muntik tumalon sa Sungsan Bridge

0 76

Hindi pinangalanan kung sino ang nasa early 20’s na dating miyembro ng South Korean girl group na nakitang tatalon sa Sungsan Bridge.

Pero lumabas din na ang surname raw nito ay “Shin.” Kaya madali rin sa mga netizen na tukuyin agad ang controversial na si Shin Mina ng iLUV group.

Sunod-sunod ang mga balita rito mula nang i-expose niya ang diumano’y hirap na dinanas sa ilang mga dating ka-member niya sa grupo. Kung paano raw siya dumanas ng matinding pambu-bully na may kasama rin umanong sexual harassment.

Noon pa lang, may mga nagwo-worry na para rito. Sana raw ay may mga taong titingin at susuporta sa kanya dahil nagpapakita ito ng ilang senyales na maging suicidal.

True enough, na-rescue lang ito agad ng mga pulis nang makatanggap ng report. Mabilis daw na nakarating ang mga pulis sa Sungsan Bridge nang makatanggap sila ng report na possible suicide. Akmang tatalon na raw ang dating girl group member nang ma-rescue.

Ayon sa mga pulis na rumesponde, “the woman in her early 20s known by her surname Shin had gone on top of the rails as if she was to jump off. Police appeared on the scene after receiving reports of possible suicide.”

Dahil sa pangyayari, mas marami ang nag-aalala ngayon, lalo na sa mental at emotional health ni Shin Mina. Naalala ng karamihan ang pinagdaanan din nina Sulli at Goo Hara na nauwi rin sa pagsu-suicide ang dalawa.

Ilan sa komento ng mga netizen, “You have to live a better life than the people who bullied you. That’s a real way to get revenge.”

“Don’t lose confidence. A good day is coming. have faith.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.