Abante Tonite Interactive

Shin Sung Rok sumabak sa romcom

299

Napapabilib kami ni Shin Sung Rok kung paano niya napagsasabay-sabay gawin ang mga drama niya.

Masasabi naming li-teral na hindi nagpahinga ang aktor sa paggawa ng Korean drama simula pa noong 2018.

Kasalukuyan pa niyang ginagawa ang “Last Empress,” pati na rin ang much-awaited drama of 2019 na “Vagabond.” Ang siste, hindi pa tapos ang taping ng “Vagabond” at sa September pa naka-due na ipalalabas sa SBS, heto’t nakapagsimula na naman ng panibagong drama ang aktor sa KBS, ang “Perfume.”

It’s a Monday-Tuesday drama at nag-release na ng ilang still pictures.

Ang “Perfume” ay tungkol sa isang middle-aged woman na nag-devote ng buong buhay niya sa kanyang pamilya only to have them taken away from her at isang genius fashion designer who has lost the meaning of life.

Pareho silang nabigyan ng second chance sa buhay sa pamamagitan ng isang magical perfume.

Kilala ang actor na si Shin Sung Rok sa mga villain o kontrabida role tulad sa mga K-dramas na “My Love From the Star”, “Last Empress” at iba pa.

Pero this time, romcom ang tema ng “Perfume” at tila hindi naman kaiinisan si Sung Rok dito.

Kahit ang production team ay puring-puri ang aktor. Ayon sa prod team, “Shin Sung Rok’s ability to express many different emotions and the unique character Seo Yi Do creates an unparalleled synergy, and Shin Sung Rok will become the new master of fantasy romance dramas. Please look forward to the genius fashion designer Seo Yi Do portrayed by Shin Sung Rok.”

Although very active in K-drama, aminado ang aktor na ang puso niya ay nasa musical theater pa rin kung saan siya natutong umarte.