Abante Tonite Interactive

SHINee madalas ang away

By
1,884

Ipinagdiriwang ng South Korean boy group na SHINee ang kanilang ika-isang dekada sa industriya. May mga standee at billboard sa Seoul ng SHINee sa kanilang ­anibersaryo at dinadayo ito ng mga SHINee’s fans mula sa iba’t ibang bansa.

Ang SHINee ngayon ay four-member group na lang pagkatapos ng maagang pagpanaw ng kanilang group leader na si Jonghyu na namatay noong December 2017. Kasabay ng kanilang ika-10 anibersaryo ang launching ng kanilang ba­gong EP na ni-release kahapon, Lunes ang track na ‘Good Evening’ bilang first episode ng The Story of Light.

Naging touching at ma­rami sa mga netizen ang naging emosyonal sa fan meeting nila noong Linggo.

Sa loob ng 10 taon, naging open sa isa’t isa ang apat na miyembro ng SHINee, at kung paano nila nagawang magpatuloy. Naging solid sila sa loob ng isang dekada.

Sa Naver broadcast, inihayag ng apat ang mensahe nila sa isa’t isa.

Sa tanong kung ano ang nakapag-motivate sa kanila para magpatuloy, sinagot ito ni Key ng, “This word might sound a bit negative, but if I had to name a reason, I would want to say that it’s because we endured.”

Dugtong naman ni Onew, “It’s because we were looking in the same direction. Because we shared the same goal, we were able to depend on each other and endure.”

Sabi ni Minho, “We have so much fun when we’re together. We’ve made so many memories together that they are now our driving force. As we got to know each other very well, we were able to both rely on and lead one another.”

Hiningan din sila na magbigay ng mensahe sa member na katabi nila.

Ayon kay Onew, “Although you must have felt frustrated and uneas­y during the past 10 years, thank you for remaining in the same place [by our side].”

Biro naman ni Key kay Minho, “How can a person stay so exactly the same? We used to fight a lot, but as we spent more time together, we ended up fighting less. I won’t change, so don’t you change either. I love you.”

Mensahe naman naman ni Minho kay Taemin, “Taemin, it’s now our 10th anniversary. You’ve suffered a lot, and living under us hyungs for 10 years must have been tiring, so thank you for being so patient. I’m proud and happy that you’re SHINee’s maknae. Let’s make even better memories in the future.”

Si Taemin naman kay Onew, “I really like our soft and squishy hyung. It must have been hard for such a soft person to be a leader, and seeing you get your feelings hurt made me realize just how much effort you’ve been making. Thank you.”

Bagama’t marami pa rin ang nakaka-miss at nalulungkot na wala na si Jonghyun, masaya na rin ang mga tagahanga ng SHINee sa ipinapakitang katatagan ng mga ito.