Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shinzo Abe out na bilang Japan PM

0 208

Nagbitiw na bilang Japan Prime Minister si Shinzo Abe sa kabila ng pagharap ng naturang bansa sa COVID-19 pandemic.

Ginawa ito ni Abe matapos maintriga dahil sa pagpunta nito sa ospital para magpa-checkup.

Si Abe ang tinuturing na pinakamatagal na nanungkulang Japanese Prime Minister kung saan una itong naluklok noong 2007, ngunit kaagad ding nagbitiw dahil sa kanyang kalusugan.

Taong 2012 ay bumalik ulit ito sa pwesto matapos kumpirmahin na magaling na sa kanyang sakit na ulcerative colitis.

Si Abe ay kilalang alyado ng Pilipinas, na dati nang pumunta sa bansa noong 2013 at 2017, kung saan dumalaw pa ito sa tahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Leave A Reply

Your email address will not be published.