Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shipping agency pagmumultahin sa quarantine violation

0 215

Papatawan ng multa ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang shipping agency sa Olongapo City dahil umano sa seaman nito na lumabag sa safety protocol ng isang quarantine hotel.

Tinukoy ni SBMA chairman and administrator Wilma Eisma ang Thyverse Marine and Shipping Agency na hindi umano nakontrol ang crewman na si Zaw Oo, mula sa cargo ship M/V Voyager Elite.

“There are rules for everyone’s safety, and we will see to it that they are obeyed,” sabi ni Eisma, “We cannot tolerate any violation of health and safety protocols because our mandate is to ensure that all stakeholders in the Subic Bay Freeport adhere to the rules laid down by the IATF.”

SM food to go Banner Ad

Habang naka-quarantine si Zaw sa Horizon Hotel, ilang ulit umano itong lumabas sa kanyang silid at nakipagtalo pa sa staff nito.

Sa kautusan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases maaaring magmulta ng P5,000 ang lalabag sa protocol. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.