Abante Tonite Interactive

Shocking ang video Bimby, Joshua tumaob sa jetski

831

Ni Vinia Vivar

Ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Instagram Story ang video ng pagdye-jet skiing ng mga anak na sina Joshua and Bimby sa Boracay kung saan sa bandang dulo ay masa-shock ka na lang dahil tumaob ang jet ski na sinasakyan ng dalawa.

Sa unang video ay makikitang nakasakay na sa jet ski ang magkapatid at si Bimby ang magmamaneho. Of course, may guide naman na naka-alalay sa kanila. Makikita ring nakasuot ng life vest ang dalawa.

Sa caption ay nakalagay na “posting this series to remind parents about #safetyfirst.”

Sa second video ay makikitang naka-ready na si Bimb na i-drive ang jet ski habang nasa likuran niya ang kuya na kanyang pasahero.

Sa third video ay ini-start na ni Bimby ang jetski at umandar na sila. Caption ni Kris, “and that I was blessed, before they were 3 years old, both kuya & bimb could swim very well.”

Hindi pa man masyadong nakakalayo ang dalawa ay maririnig na ang guide na pinababalik na sila at sa pag-u-turn ni Bimb ay biglang tumaob ang sasakyan na ikinagulantang din ng mga tao roon.

Sa 4th video ay hindi na namin nakita kung ano ang nangyari dahil pati ang kumukuha ng camera ay nataranta na yata at hindi naka-focus sa magkapatid ang video. Caption naman dito ni Kris, “lastly, CLOSE ADULT SUPERVISION & don’t panic. #SAFETYFIRST. Trust in God’s protection.”

Good thing, mukhang wala namang nangyaring masama sa magkapatid dahil naka-life vest naman sila and besides, hindi pa naman sila gaanong nakakalayo at sabi nga ni Kris, magaling daw lumangoy ang dalawang bata.

Tonite – Wendys Inhouse Ad