Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shoe trade sa Marikina pinaplantsa

0 93

Pinaplantsa na local government unit (LGU) ng Marikina City ang shoe trade fair na naglalayong palakasin ang industriya ng sapatos sa siyudad at tulungang makabangon ang mga magsasapatos sa nagaganap na coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic at ang pagsalanta ng nagdaang bagyong Ulysses.

Ayon kay Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, mainam na tulungan ang mga shoe manufacturers dahil halos karamihan ng Marikenyo ay naapektuhan ng pandemya at pananalasa ng bagyo kaya gumagawa kami ng paraan na matulungan sila sa pag-ahon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Isa sa nakita nilang paraan ay ang pagbebenta ng mga sapatos habang nakipag-ugnayan na ang Marikina LGU sa government agencies para makapag-participate sila sa procurement sa government at buhayin ang shoe industry sa Marikina.

Kabilang dito ang requirement na sapatos ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines(AFP) na sa Marikina City na sila kukuha.

Wala pang tiyak na petsa kung kailan isasagawa ang Trade Fair na kadalasang tuwing Pebrero ginawa sa Marikina City Sports Complex. ( Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.