Abante Tonite Interactive

Shola ng Lady Bombers rumatrat!

By
2,913

Mga laro sa Lunes:
(The Arena, San Juan City)
9:30 a.m.- MU vs LPU (m)
11 a.m.- MU vs LPU (w)
12:30 p.m.- SSC vs UPHSD (w)
2 p.m.- SSC vs UPHSD (m)
3:30 p.m.- SSC vs UPHSD (jrs)

Patuloy ang pagiging mabalasik ni Shola Alvarez, muling inakbayan ang Jose Rizal University sa pagtambang sa Emilio Aguinaldo College, 25-20, 25-16, 25-16 kahapon sa 93rd NCAA women’s indoor volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre, San Juan City.

Naghulog ng 24 puntos si Lady Bombers skipper Alvarez upang hablutin ang pangalawang sunod na panalo at itarak ang 2-1 karta para sa Mandaluyong-based volleybelles.

Sa unang panalo ng JRU, kumana si Alvarez ng career-high 28 points para bulagain ang San Sebastian College, 27-25, 25-23, 22-25, 16-25, 15-12.

Kaya naman naniniwala si Jose Rizal coach Mia Tioseco na malaking bagay ang panalo nila sa Lady Stags dahil nagkaroon ng kompiyansa ang kaniyang mga bataan sa pangunguna ni Alvarez kontra rin sa Lady Generals.

“I think talagang malaking factor ‘yung panalo namin sa SSC at least ‘yung mga girls naniniwala na kaya na nilang mag-compete,” saad ni Tioseco. “I guess mas aggressive na sila. Hopefully, step by step.”

Nagtala si Dolly Versoza ng seven points habang si Season 92 Best Opposite Spiker Karen Montojo may anim para sa JRU.

Kumana si Ladeisheen Magbanua ng siyam na puntos, may pito si Jaylene Lumbo para sa Lady Generals na bokya pa rin sa panalo sa tatlong salang.