Abante Tonite Interactive

Shoo idinemanda sa utang

344

Nagsimula sa blind item sa ilang online news portal sa South Korea ang balitang may dating member ng girl group na nakademanda raw ngayon dahil sa utang nito na hindi mabayaran.

Nagkaroon ng utang dahil daw sa pagkatalo sa casino.

Base sa report na lu­mabas noong August 2 sa Kyunghang Newspaper, isang celebrity na nag-debut sa isang sikat na girl group. Idinemanda ito ng dalawa niyang acquaintaces. Sa report, nangutang daw ang celebrity ng 350 million won (approximately $309,839) at 250 million won ($221,280) para pang-casino nito, pero hanggang ngayon, hindi pa rin daw binabayaran.

Kasalukuyan na raw iniimbestigahan ng prose­cutor ang former girl group member sa habitual­ illegal gambling nito.

Yun nga lang, simula nang lumabas ang balitang ito, tila maling celebrity ang pinaghinalaan ng netizen sa blind item. Nagulat na lang daw si Eugene at ang agency nito. May mga inquiry at lumalabas sa real-time search online ang pangalan niya.

Itinanggi na agad ito ng kanyang agency na C9 Entertainment. Nagkataon pa na halos nasa full-term na ng kanyang ikalawang pregnancy si Eugene sa Mister na si Ki Tae-young (South Korean actor). Ayon sa C9 Entertainment, “There have been continuous inquiries towards Eugene herself and the company since the morning. Currently, Eugene, who is pregnant in her full-term, is very shocked. It is not true. Eugene does not play any games in gene­ral.”

Tila nakonsensiya naman ang totoong celebrity na kinukuwestiyon sa blind-item dahil may ibang nadadamay sa kaso niya. Kahit na itinanggi noong una ng agency ni Shoo ang balita, later on ay kinumpirma rin ng South Korean actress/singer na siya nga ang nalulong sa casino at nabaon umano sa utang.

Sina Eugene at Shoo ay parehong nag-debut sa dating girl group na S.E.S.

Ayon kay Shoo, “I decided to reveal myself as the person in question after seeing Eugene’s name appear on the real-time search results and her gain suspicion. Regardless of the reason, I deeply apologize for causing such an uproar.

“I’m deeply apologetic towards those who love and care for me. There were reports that denied that I was the one being sued, but I never denied those reports myself, nor did those close to me. I think there was a communication error.”

Sinabi niyang nagpunta siya sa casino kasama ang ilang acquaintances na walang masyadong alam sa casino. Para lang daw sana ma-satisfy ang curiousity niya pero hindi niya namalayan na nalululong na pala siya.

Sabi pa niya, “In this situation where I didn’t know much about the rules of gambling, I lost a lot of money and came to fall under tremendous debt. In this situation, there was the repetition of this vicious cycle.

“It is true that I have run into a debt of 600 million won (approximately $530,000), but it is not true that I borrowed all that money to gamble it off. It also includes money­ I borrowed for some other­ unavoidable reasons. I’m now aware of how scary gambling can be. I will repay the borrowed money and not cause such a stir again.”

Sa kanilang dalawa, si Shoo ang mas nagpatuloy bilang isang singer although, pinasok din ang pag-arte. Habang si Eugene naman ay na-cast sa iba’t ibang K-drama. Pareho na silang married at may mga anak.