Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shooting namemeligro sa virus

0 467

ROMMEL PLACENTE:Mukhang hindi pa rin talaga safe ang mag-shoot ng pelikula at mag-taping ng mga teleserye huh! Kahit na sabihing nagpa-swab test at lumabas na negative ang resulta sa mga artista at staff, ay meron pa ring tinatamaan ng COVID 19. Gaya nga ng tsismis sa isang malaking movie outfit ang dinapuan umano ng coronavirus ang artista at ilang staff nito sa shooting. Ganyan din ang chism sa isang taping ng teleserye na may nag-COVID habang nagti-taping.

Hindi kaya dapat ay stop muna ang paggawa ng mga pelikula at serye? Kapag may nahanap o nakuha na tayong vaccine dun na lang uli gumawa, di ba?

MILDRED BACUD:Nakakalungkot naman kung kailan unti-unti ng nakakabalik tayo sa normal. Hindi na nga natin inalintana ang magpa-rapid test para lang maka-attend sa presscon ng Net 25.Kailangan na rin kasi natin ang kumayod lalo’t ang showbiz industry ang isa sa sobrang naapektuhan.Pero bakit ganun, sinusunod naman ang protocols pero mabangis talaga si COVID. Tulad ng nabanggit mo ka-Cuatros na Rommel marami raw ang nagpositibo sa virus na ito habang nagsu-shoot ang isang malaking movie outfit.Nasa 27 daw, samantalang ang isa pang produksyon ay 60 naman daw.

Si Aiko Melendez nga napraning nang magkalagnat at mawalan ng panlasa habang nasa lock in taping ng serye niya sa GMA.Mabuti na lamang at nag-negative siya sa swab test.

Naku dagok na naman kapag nahinto ang trabaho, magpa-Pasko pa naman. Pero siyempre pinakaimportante naman talaga ang pag-iingat.Huwag naman sana mangyari ang usap-usapan na baka magkaroon ng panibagong lockdown dahil sa katigasan na rin ng ulo ng mga tao. Hindi ba’t sa Divisoria market ay hindi mahulugamg karayom na naman ang namimili? Haisst.

RODEL FERNANDO:Nakakaloka nga ang ibinunga ng COVID-19 lalo na sa paggawa ng pelikula. Mabuti na lang at kahit paano sa tv ay nakakapag-taping naman ang ibang network. Pero dusa rin inaabot nila lalo na sa mga safety protocols na ipinapatupad. May isang network nga na kinailangang ipatigil ang taping dahil nag-positive sa COVID ang bidang artista nila.

Ang nakakaloka pa isang kumpanya naman ay halos isandaan empleyado nila ang nagka-COVID pero hindi ito naibalita. May isa pa ngang director na dapat gagawa ng project sa network na ito ay hindi rin natuloy dahil nagpositibo rin siya sa sakit na ito.

Hanggang ngayon ay hirap na hirap pa rin lalo na ang mga producer ng pelikula para mag-shooting. Mabuti na lang may isang bagong film outfit na matapang at nakatapos ng movie. Ito ay ang Godfather Productions via ‘Anak ng Macho Dancer’.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ngayon tigil shooting pa rin ang mga pelikula nina Vice Ganda sa Star Cinema. Ganundin ang horror movie ni Joshua Garcia sa Regal at wala pa ring balak mag-shoot sina Toni Gonzaga at kapatid na si Alex sa movie project nila.

JOEL LAMANGAN CORONA SURVIVOR

ROLDAN CASTRO: Sa special screening ng MMFF movie na “Isa Pang Bahaghari” ay nakatsikahan namin si direk Joel Lamangan. Inamin niya na tinamaan siya ng COVID nu’ng may gawin siyang serye sa TV5.

Magpu-pull out na raw sila para sa lock-in shooting ng ‘Paano Ang Pasko?’ pero tinawagan siya na hindi siya puwedeng umalis dahil positive siya sa COVID. Pati ang kanyang partner na si Jim Pebanco ay nahawa..

Nagpagamot daw siya at nag-isolate. After 14 days nagpa-swab test siya at negative na ang result. Dun daw niya sinimulan ang ‘Anak ng Macho Dancer’.

Sa ngayon, busy si direk sa pagpoo-promote ng “Isa Pang Bahaghari” na pinagbibidahan nina Nora Aunor, Phillip Salvavor, Michael de Mesa, Zanjoe Marudo, Sanya Lopez, Maris Racal, Albie Casino, Joseph Marco .

Winner ang nasabing pelikula!Pampamilya . Nakakaaliw, madrama, nakakaiyak. Lahat ay mahuhusay . Ensemble kumbaga.Walang kupas ang mata ni Nora Aunor. Nangangamoy best actress .Bet namin si Zanjoe Marudo para sa Best Supporting actor pero super galing din ni Michael. Mahigpit ang labanan nila kung pareho silang mano-nominate.Feeling namin hahakot ng awards ang Isa Pang Bahaghari. Congrats sa isa namang obra ni Direk Joel Lamangan. Panoorin sa Dec 25 sa social media flatform ng MMFF.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.