Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Shopee, Lazada susuyurin sa `milk scam’

0 282

Sisimulan nang suyurin ng Food and Drug Administration ang mga substandard skimmed milk products na nagkalat ngayon sa mga online selling sites, kabilang na ang Lazada at Shopee.

Ang nasabing aksyon ay matapos maghain ng pormal na reklamo ang isang consumer group sa tanggapan ng FDA kahapon ng umaga. Nagsumite ng kanilang petisyon ang Action for Consumerism and Transparency for Nation Building, Inc (ACTION) para mapigilan na ang pagkalat at paglalako ng mga naturang substandard products sa local market.

Ayon sa kinatawan ng ACTION na si Vito Gaspar Enrico Silo, “karamihan sa mga ibinebentang skimmed milk products sa online stores ay pawang di rehistrado sa FDA,” na labag sa batas. Ayon pa sa kanya, ang mga nilalamang nutrisyon ng mga unregistered products ay hindi umaabot sa mga tamang pamantayan para sa mga katulad na produkto lalung-lalo na ang protein, fats at microbial contents nito. Madalas din anyang taliwas sa mga advertised claims ng mga nasabing produkto ang tunay na nilalaman nito. Ang mga akusasyong inilahad ng ACTION ay kinumpirma kamakailan ng isang pag-aaral na isinagawa ng UP Department of Science and Nutrition.

Ani Silo: “It’s not fair for consumers to be cheated by these unscrupulous traders, especially today when the country is suffering from the global COVID pandemic. The last thing that a mother needs

now is to buy a milk product online just to save a few hard earned pesos and find that it’s not even safe to consume.”

Bagsak din umano sa basic sanitary and safety conditions ang mga ibinebentang skimmed

milk.

“In the interest of public safety, we urge consumers to be vigilant. We ask online selling platforms like Lazada and Shopee to police their merchants and the FDA to take quick action to stop the sale of these

substandard and unsafe products,” dagdag pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.