Abante Tonite Interactive

Shopper nahulihan ng marijuana sa mall

164

Tatlong katao kabilang ang magkapatid na kapwa nasa PNP/PDEA unified drug watchlist ang nadakip sa buy-bust operation sa Baliwag, Bulacan habang ang isa namang mamimili ay nahulihan ng damo sa bag nang pumasok ng mall sa San Jose del Monte City City, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Police Col. Emma Libunao, Acting Provincial Director ng Bulacan PNP, ang naarestong sina Jeffrey Santos at Ricardo Santos, kapwa taga-Barangay Catulinan, Baliwag at Carlo Oliver Perez, na pawang nakapiit ngayon at nahaharap sa kaso.

Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang Drug Enforcement Unit ng Baliwag PNP sa Brgy. Catulinan matapos ipasailalim sa week long surveillance operation ang magkapatid na kapwa nasa PNP/PDEA watchlist.

Samantala, pumasok naman sa isang mall sa San Jose del Monte City ang suspek na si Perez ngunit napansin ng security guard ang isang transparent ziploc na may maliit na pakete ng damo kaya pinigil ito ng sekyu at inaresto ng pulisya.

Ang tatlong suspek ay dinala sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office upang sumailalim sa eksaminasyon. (Jun Borlongan)