Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Shopping’ sa PBA simula na

0 99

NAGLABAS ng memo ang PBA Commissioner’s Office na puwede nang mag-shopping ang 12 koponan mula sa free agency tatlong linggo pa bago ang scheduled restart ng season.

Pero malinaw ang sabi ni commissioner Willie Marcial – pigil pa muna sa trade.

“Pinapayagan na ang pick up ng free agents,” anang commissioner. “Maglalabas na kami ng memo, puwede na ngayon.”

Huwebes inilabas ang memo, malamang nakarating sa teams kinabukasan.

“Trading specifically sa bubble na,” dugtong ni Board vice chairman Bobby Rosales.

Sa Sept. 26 ang schedule ng dating ng teams sa Quest Hotel sa Clark Freeport Economic Zone.

Doon na rin magsisimula ang scrimmages kapag hindi pinayagan ng IATF ang request na magkaroon nito sa Metro Manila.

Nasa teams na kung bibigyan ng extension ang players na mapapaso o napaso na ang contracts hanggang sa Dec. 9, projected date na matapos ang Philippine Cup. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.